CHAPTER 7

176 6 2
                                    

Paisley Shae Nevares POV's


Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa paligid. Dahan-dahang minulat ang mga mata , nilibot ng tingin ang hindi pamilyar na kwartong hinihigaan.

" Thanks god, gising na siya " kunot-noo kong tinignan si Yanna sa tabi dahil sa sinabi niya.

" Okay ka na ba ate?... May masakit ba? " sunod-sunod na tanong ni Rainley sa akin habang tinitignan ang mukha kung maayos ba ang lagay ko.

" Anong nangyari? " takang tanong ko.

" Nabangga kayo, hindi mo ba maalala? " tanong ni Yanna sa akin.

" Na-nabangga kami? " hindi makapaniwalang tanong ko, inalala ko ang nangyari hindi ko maalala na nabangga kami.

" Buti nagising ka na, si kuya Jayzer kasi hindi pa rin nagising hanggang ngayon " singit ni Xandra, pati pala siya ay nandito.

" 'Wag niyo akong mabiro, hindi nakakatuwa " inis kong sagot sa kanila. Taka ko silang tinignan nang makitang seryoso ang mukha nila, mukhang hindi nga sila nagbibiro.

" Buong araw kang tulog ate Paisley " seryosong sagot ni Rainley, kaya bahagyang kumunot ang noo ko.

" Alam mo ba ate, sabi nang doctor kung hindi daw naka-iwas si Jayzer malamang patay na kayo ngayon " dagdag pa nito, yawa totoo ba talaga na nabangga kami. Grabe naman iyong patay agad.

" Bakit hindi ko maalalang nabangga kami? " takang tanong ko sa kanila.

" Hinimatay ka bago pa kayo nabangga, kaya siguro wala kang maalala " mabilis na sagot ni Xandra, posible bang mangyari iyon.

" Wala kang sugat o kahit gasgas man lang, pero kapag nakita mo si Kuya Jayzer-" hindi pa man tapos magsalita si Rainley ay agad ko itong tinanong.

" Anong nangyari sa kaniya? " mabilis kong tanong. Hindi naman ako galit, hindi ko pinatapos ang sasabihin ni Rainley kasi minsan ang OA na magsalita.

" Ang dami niyang sugat dahil lahat nang bubog na nabasag ay siya ang natamaan " singit ni Yanna.

" Ang swerte mo nga raw dahil nasa back seat ka, kung hindi malamang hanggang ngayon hindi ka pa rin gising " dagdag pa ni Xandra. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa mga sinasabi nila.

" Pwede ba na'tin siyang puntahan?," agad tanong ko sa kanila. Taka ko silang tinignan nang hindi nila sagutin ang tanong ko.

" Bakit ayaw ni'yong sumagot?!" iritang tanong ko sa kanila.

" Baka mapagalitan ako ni Daddy kapag pinaalis kita sa kwarto mo." takot na sagot ni Rainley.

" Akong bahala bunso, kunin mo iyong wheelchair at pupunta tayong lahat" sagot ko sa kaniya at itinuro ang wheelchair na nakalagay sa isang tabi. Tumango ito kaya binalingan ko ng tingin sina Yanna at Xandra.

" Dalhin niyo ako sa kaniya " utas ko.

" Sige " sagot ni Xandra

Nagsimulang itulak ni Rainley ang wheelchair palabas, nang nakalabas kami ay nakita ko ang pamilyar na hallway na tinatahak namin. Sinusundan kasi namin si Xandra habang si Yanna ay nasa gilid ko.

" Sa inyo ba ito Yanna? " agad na tanong ko.

" Oo te, nung tumawag ka kasi, lahat kami nataranta. Buti at naitawag ko agad dito" sagot nito. Tinanguan ko siya, hindi nagtagal ay huminto kami sa isang VIP ROOM at nagsimulang kumatok si Xandra.

GIRLFRIEND (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon