Paisley Shae Nevares's POV
" Ingat ate " paalam ni Rainley at yumakap sa'kin.
" Ingat din kayo rito ni Mommy " paalam ko nang kumalas ng yakap sa kaniya. Kanina pa kami rito sa airport, nakaalis na nga lang ang mga kamag anak namin ay hindi pa rin tapos paulit ulit na paalam ni Rainley.
Naunang pumasok sa kotse si Mommy, dahil ayaw niya raw kaming makitang umalis kasi iiyak lang siya. First time kasi naming umalis ni Daddy na hindi kasama si Mommy, sayang lang talaga hindi sila makakasama dahil may inaasikaso pa sila Mommy dito sa Cebu.
" Pumunta kayong Manila bago magbirthday ko ah " paalala ko sa kaniya.
" Oo ate, papaalam muna ako kay Daddy dahil iniintay na ako ni Mommy sa loob ng car... Aalis din kasi kami " sagot niya, at yumakap kay Daddy para magpaalam na rin. Naririnig kong binibilan niya si Rainley kaya hindi ko na sila nilapitan.
Napalingon ako sa harap ko ng narinig ang pamilyar na boses " Late naba ako? " tanong ng kararating lang na si Veronica. Napangiti ako ng nakita siya, akala ko ay hindi na siya pupunta.
" Oo " sabay sagot namin ni Rainley at 'saka tumawa. Mukhang tapos na sila ni Daddy at nagawa pang sabayan ang pagsagot ko, alam kong sa amin nakatingin si Daddy kaya iniiwasan kong magtama ang tingin namin.
" Bye Daddy " paalam niya at niyakap si Daddy. " Bye ate Paisley at ate Veronica " paalam ulit niya at tinignan namin siyang makasakay sa kotse, kumaway pa sila ni Mommy hanggang sa hindi na namin tanaw ang kotse.
" Nak Veronica mauuna na kami " paalam ni Daddy at kinuha ang maleta ko.
Makatawag ng nak, akala mo talaga ay tanggap niya ang magiging relasyon namin. Pero goods na rin para masanay siya hihihi.
" Ingat po sa byahe Tito " ngiting paalam ni Veronica, ngiti na lang din ang naging sagot ni Daddy.
" Si tay Chito mo na ang magdadala nito nak, sumunod ka na agad sa loob pagtapos niyo " tukoy ni Daddy sa maleta kaya tumango ako.
" Opo Daddy, susunod po agad ako sa loob " sagot ko. " Thank you po tay Chito " pasalamat ko ng kunin ang malaking maleta sa tabi ko. Hinintay ko munang makalayo sila Daddy bago harapin si Veronica.
" Sumunod ka agad sa Manila ah " paalala ko sa kaniya.
" Susunod ako agad " sagot niya at lumapit para yakapin ako.
Yawa, mamimiss ko talaga 'yung yakap niya.
" Mag iingat ka " malambing niyang sabi kaya lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
" Pwede bang 'wag na lang ako umalis? " birong tanong ko sa kaniya.
" Paisley " seryosong tawag niya at kahit hindi ko siya tignan alam kong hindi siya natuwa sa sinabi ko.
" Goodbye kiss muna " utas ko at tinignan siya ng hindi inaalis ang pagkakayakap sa kaniya.
Ang kapal naman ng mukha kong manghingi ng kiss eh wala pa nga kaming label
" Saan banda? " pabirong tanong niya.
Malala na talaga ako, nagbibiro lang siya pero kinikilig na ako... Pigilan mo ang kalandian mo Paisley.
" Ikaw bahala " sagot ko at hinihintay siya na ikiss ako.
Halos hindi ako huminga ng halikan niya ang magkabilang pisngi ko. Napapikit na ako ng tumagal ang malambot niyang labi sa noo ko.
Nanghihina ako sa ginagawa niya, buti na lang at yakap ko pa rin siya dahil kung hindi malamang ay bagsak na ako sa sahig.
" Last na " pabiro ko at ngumuso. Nanghihina na ko pero nagdedemand pa rin, napakaharot talaga Paisley.
" Paisley, 'wag mo kong subukan at baka hindi ka na makaalis ng Cebu " mapang asar niyang babala sa'kin.
" Titigil na ako " utas ko at niyakap siya ng mahigpit, isang minuto kaming nasa gan'ung posisyon at ako na ang unang humiwalay sa yakap at baka mapagalitan ni Daddy pag nagtagal pa ako rito.
" Bye na Veronica " paalam ko, hindi niya ako sinagot agad pero tinignan niya ang mukha ko na para bang minimemorya niya ito.
" Bye Paisley, mag iingat kayo sa byahe " paalam niya.
Lumakad ako papalayo sa kaniya, nilingon ko siya ng nakalayo na ako at nadun pa rin siya sa pwesto niya kaya kinawayan ko siya bago ulit lumakad.
2 HOURS LATER...
Finally, nasa bahay na rin kami. Gusto ko na agad matulog dahil sa sakit ng katawan ko, kahit na lagi naman kaming nag airplane hindi talaga ako nasanay . Partida naka private plane na kami kanina.
Nabaling ang tigin ko kay Daddy ng nagsalita siya " Nak, magpahinga ka na sa kwarto mo... Pupunta lang ako sa Company at babalik bago maghapunan " paalam niya at inutos sa kasambahay namin na ipasok sa mga kwarto namin ang maleta.
Kakarating pa lang namin, trabaho na agad ang iniisip na.
" Okay po Daddy, chat niyo na lang po ako pag pauwi na po kayo para maipahanda ang dinner " sagot ko. Ngumiti lang siya bilang sagot at lumabas na kasama si tay Chito.
Nakakapanibago naman ang tahimik naming bahay, mukhang kailangan kong masanay dahil sa susunod na buwan pa babalik sila Mommy.
After ng nangyari sa amin ni Daddy last week, umiiwas na ako. Dahil takot ako na baka may mangyaring iyakan na wala sila Mommy.
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND (GXG)
Teen FictionGIRLFRIEND(GXG) Paisley Shae Nevares, a lovely woman fell in love with Veronica Vien Cibrina a tomboy. She had the confidence to confess her love to her, because she believed they would never see each other again. However, a surprising turn of even...