CHAPTER 3

230 8 2
                                    

Paisley Shae Nevares's POV

" Haaayyyys " buntong-hininga ko bago humiga sa kama. Kararating lang namin galing sa resort ng Family Nevares dito sa Cebu.

*Kriingggggg* pagtunog ng phone kaya agad akong gumulong papuntang side table at kinuha ito .

" Hello " walang emosyon na sagot sa tawag.

" PAISLEYYYYYYY! " agad kong nilayo sa tenga ang phone, nang marinig ang nakakarinding sigaw ni Yanna mula sa kabilang linya.

Agad ko itong ni loud speaker at humiga ng ayos, yakap-yakap ang malaking teady bear na nasa tabi ko.

" YAWA KA TALAGA TE! " sigaw niya. Hindi ko pinansin ang pagsigaw niya. " Na'san ka muna?... Bakit ang ingay? " sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

" NASA LABAS AKO, KAKATAPOS LANG NANG INAASIKASO KO KAYA TUMAWAG AGAD AKO... I NEED YOUR FUCKING EXPLANATION PAISLEY " mahaba niyang sagot kaya napabuntong hininga na lamang ako. Hindi naman siya galit, medyo lang.

Hindi yata ako makakapag pahinga nang maaga ah, mahaba-habang story telling 'to. Akala ko pa naman makakaligtas ako ngayong araw dahil gabi na, pero maling akala lang pala yawa.

" Sige, isa-isa lang ang tanong " walang ganang sagot ko. Alam ko na kung tungkol saan ang pag uusapan.

" YAWA, NAKITA MO NA BA 'YONG POST NIYA SA IG? " tanong niya kaya agad akong bumangon at nagtungo sa study table, sinimulan kong buksan ang computer . Buti nalang at inayos ng mga pinsan ko ang mga gamit ko bago kami dumating, kasama ang computer ko kaya hindi ako nahirapang buksan ito.

" Hindi pa " mabilis kong sagot. " VC tayo " dugtong ko bago patayin ang tawag niya sa phone ko. Agad kong kinalikot ang computer at binuksan ang IG.

*KRINGGGGGG*

Agad kong sinagot ang tawag, nakita kong naglalakad pa kung saan si Yanna. Hindi ko na lamang ito pinansin at muling ibinalik ang atensyon sa pagtitipa ng computer.

" NA CHECK MO NA BA? " sigaw niyang tanong, bunganga talaga nito eh.

" 'Wag kang sumigaw te, nakakarindi " inis kong sagot, bago tignan ang sinasabing post ni Xandra.

" YAWA! " malakas na mura at napatakip sa bibig ng makita ang post ni Xandra.

Hindi ko inaasahang makita ang picture kung saan may libo-libong likes at comments ito.

Picture ng hinalikan niya ako sa pisngi kanina.

Sino nag picture nito?

" YAWA, SAAN GALING 'TONG PICTURE! " galit kong utas.

" HINDI NA MAHALAGA KUNG SAAN GALING YUNG PICTURE TE. ANG MAHALAGA NGAYON AY
KAILANGAN MONG IK'WENTO SA'KIN ANG NANGYARI " aniya, na ikinairita ko. Hindi naman siya si Marites pero grabe ang pagka tsismosa.

" Hindi ka ba mabubuhay ng walang nalalamang tsismis te" sarkastikong sagot ko." Mamaya ko ik'wento, kailangan kong sabihin kay Xandra na burahin yung post " dugtong ko pa, habang tinatype ang ime-message ko kay Xandra.

" It's too late, Paisley. Kalat na everywhere ang picture niyo" aniya, bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.

"What do you mean?" takang tanong ko. Nagtanong pa'ko obvious na nga na kalat everywhere, malamang kung saan-saan na nakarating 'tong picture na'to. Yawa talaga.

" I check mo IG profile niya, hindi ko ine- expect na nasa 500k ang followers niya " hindi makapaniwalang sabi niya. Chineck ko ito at tama nga siya, yawa ganito ba talaga siya ka sikat. Hindi ako pala social media na tao, tsaka hindi din naman kasi ako mahilig mag stalk ng kung sino-sino maliban kay Veronica.

Kung si Veronica na may 200k followers, itong si Xandra 500k. Sana pala nag stalk ako.

" Ano sa tingin mong iisipin nila pag binura 'yon ni Xandra? Magiging big deal yun sa kanila " tama nga naman ang sinabi niya. " We live here in the Philippines Paisley, malamang kung ano-anong theory na ang nasa isip ng mga tao. Kaya go with the flows ka nalang " dugtong niya pa kaya no choice akong tumango. Naiintindihan ko naman iyong ibig sabihin niya, pero kailangan kong makausap si Xandra.

" Pero kailangan ko pa ring kausapin si Xandra, gusto ko lang malaman kung sino ang nag picture " sagot ko.

" So close na kayo? " bakas sa boses niya ang pagseselos ng tanungin niya ako.

" We're not close Yanna, kailangan ko lang talaga siyang makausap. " explain ko pa sa kaniya.

" Paisley, picture lang iyon " aniya. She's right, picture lang iyon.

" Oo, picture lang iyon..What if-" hindi ko magawang tapusin ang sinabi ko.

" What if makita ni Veronica, 'yun ang gusto mong sabihin hindi ba? " pagdugtong niya sa sinabi ko, sinubukan niya akong tignan sa mata pero iniwas ko ang mukha ko sa screen.

Hindi ko alam kung bakit nagsimulang mamasa-masa ang mata ko.

" Y-Yanna! " nanlulumong tawag ko rito, at nagsimulang bumagsak ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

" Yawa naman Paisley, nakarating ka na lang sa Cebu si Veronica pa rin ang iniisip mo! " ramdam ko ang pagkainis niya mula sa kabilang linya, kaya pilit kong iniiwas ang sarili sa harap ng screen.

" Yanna, hindi ko maiwasan. Lalo na sa nangyari kahapon " sagot ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.

" Hindi ka ba napapagod? " agad niyang tanong, agad akong tumingin sa screen. Hindi ko magawang sumagot pabalik sa tanong niya.

Pagod na pagod na ako, gusto kong tumigil pero hindi ko magawa...

" 4 years mo na siyang crush at alam mong sa 4 years na 'yun, kaibigan lang talaga ang naging turing niya sa'yo " tama siya, kaibigan lang ang tingin sa'kin ni Veronica pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako tumitigil.

" Sinubukan kong mag move on, pero hindi ko nagawa " nakayuko kong sagot, dahil oras na magtama ang mata namin magagalit na naman siya.

" UMAMIN KA SA KANIYA KAHAPON PERO WALA KA PA RING NAKUHANG SAGOT " ang mga salitang 'yon ay parang kutsilyong tumutusok sa dibdib ko.

" Kung hindi ka pa rin magsasabi sa'kin kung bakit kayo magkasama ni Xandra, papatayin ko na ang tawag " pag iiba niya ng usapan, nang tignan ko siya sa screen. Pansin kong kumalma na siya mula sa galit at inis niya sa'kin, kaya sinubukan kong 'wag magdrama sa harap niya.

~ONE HOUR LATER~

" Nagalit ka pa sa kaniya, eh wala naman pala silang relasyon " komento niya, matapos malaman ang buong storya. Sumasakit na ang bunganga ko kakasalita ng isang oras.

" Alam ko naman iyon, kaya nga guilty ako eh. Tsaka hindi niya naman kasalanan kung bigla siyang dumating kahapon " sagot ko pa.

" What if, kayo talaga ni Xandra para sa isa't-isa " aniya at binigyan ako nang makahulugang tingin.

" Yawa ka, naririnig mo ba ang sarili mo " inis kong sagot sa kaniya.

" Hahahahaha " mapang-asar niyang tawa sa akin, kaya tinignan ko siya ng masama.

" What if lang naman eh, 'saka bagay naman kayo " asar niya pa, dahilan para ikainit ng ulo ko.

" PISTING YAWA KA " galit kong mura sa kaniya. Ayaw ko na talaga magsalita, feeling ko pagod na pagod na ako.

" Sorry na " aniya at tinakpan ang bibig na nagpipigil ng tawa, yawa talaga nito ko.

" Matutulog na ako te " walang emosyon na sagot sa kaniya. Pinatay ko ang tawag bago pa siya magsalita, pati ang computer ko ay inoff ka na rin. Agad akong humiga sa kama at niyakap ang malaking teddy bear na nasa tabi ko. Naghahanda na ako para matulog at dahan-dahan pinikit ang mata.

Sana bukas pag gising ko nakalimutan ko na iyong 4 na taong pagtingin ko sa iyo Veronica...



GIRLFRIEND (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon