THIRD PERSON POV
FLASHBACK
6 YEAR AGOOOOO
" Hiwalayan mo ang anak ko, alam mong una palang ay hindi na kita gusto para kay Paisley... Siguro naman ay sapat na ang isang taong relasyon niyo. " seryosong sabi nang matandang lalake sa batang Jayzer.
" Pero mahal ko po talaga siya Tito " takot man ang batang lalake ay pilit niyang inilalaban ang pagmamahal sa anak nito.
" Masyado pa kayong bata para magmahal, gusto mo bang may mangyaring masama bago kayo maghiwalay " pabirong sabi ng matandang lalake pero halata sa mukha nito ang pagbabanta sa bata.
Tumayo ang matandang lalake at agad na sinenyasan ang lalakeng kanan kamay niya na lumapit sa kaniya.
" I know that you're smart iho, hindi ka papayag na may mangyari sa pamilya mo. " pabirong sabi nito sa bata.
" Hindi po ako papayag sa gusto niyong makipaghiwalay sa kaniya " diretsong sagot ng bata.
" Mauuna na po ako, dahil may klase pa po ako " magalang na paalam ng bata at mabilis na sinabit ang bag sa kaniyang balikat. Walang lingon lingon na lumabas ang bata, takot na baka paglumingon siya at hindi niya kayanin ang nakakatakot na awra nito.
Nakalabas na ang batang Jayzer habang ang matandang lalake ay nanatiling nakaupo sa kaniyang upuan, na tilang may binabalak itong hindi maganda.
" Gawin mo na ang plano, siguraduhin mong hindi masisira ang pangalan ni Paisley sa gagawin mo " utos ng matanda sa lalake at agad naman lumabas ang lalake.
Makalipas ang ilang oras....
" Jayzer, tulungan mo naman akong ihatid 'to sa guidance office " pakiusap ng batang babae bitbit ang maraming notebook.
" Sige " mabilis na sagot ng batang Jayzer, agad kinuha ang kalahati na dala ng batang babae at naunang lumakad papuntang guidance office.
Nagmamadali ang batang lalake dahil susunduin niya pa ang girlfriend niya para sabay silang umuwi.
Nailapag na nang dalawang bata ang notebook, ngunit bago pa man sila makalabas ay hindi nila mabuksan ang pintuan.
Agad na kinuha ng batang lalake ang cellphone niya sa bulsa at nagchat sa pwedeng makatulog para makalabas sila. Masama ang kutob niya, dahil ang batang babae ay tahimik lang siyang tinitignan at hindi man lang ito nagpanic.
FAST FORWARDDDD
Mabilis na kumalat ang nangyari sa Guidance, may iba't-ibang kwento ang mga estudyante. Sinasabi nilang magjowa ang dalawa kaya hindi raw naging problema sa dalawa ang nangyaring pagkulong sa Guidance... Magmula noong nakita ni Paisley ang boyfriend niyang may kasamang babae at idagdag pa ang mga kwento na kumalat sa paaralan nila ay akala nito na nagcheat ito sa kaniya.
Nagtagumpay ang matandang lalake na paghiwalayin ang anak niya at ang kasintahan nito...
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND (GXG)
Teen FictionGIRLFRIEND(GXG) Paisley Shae Nevares, a lovely woman fell in love with Veronica Vien Cibrina a tomboy. She had the confidence to confess her love to her, because she believed they would never see each other again. However, a surprising turn of even...