Paisley Shae Nevares's POV
Narito ako ngayon sa kotse ko at dali-dali itong pinaandar.
" Paisley! kumalma ka muna " rinig kong payo ni Yanna mula sa kabilang linya.
" Hindi ko magawang kumalma dahil sa nalaman ko Yanna " sagot ko at binilisan ang kotse para makarating agad sa bahay.
" Paisley!, gabi na oh... Bukas ka na pumunta for sure tulog na sila Tita " singit ni Xandra. Marami pa akong naririnig mula sa kanila pero hindi ko 'yun pinansin.
Nakalipas ang ilang minuto ay narating ko ang bahay, agad akong pinagbuksan ng guard.
" Good evening po ma'am " bati sa'kin, pilit na ngiti at tango lang ang nagawa ko dahil wala na ako sa mood ngayon.
" Gising pa po ba sila Daddy? " bungad na tanong sa isa sa mga kasambahay namin na naabutan kong nililinis ang sala.
" Kaaakyat pa lang po nila sa kwarto nila " sagot nito.
" Thank you po " mabilis na sagot ko at umakyat ng hagdan papunta sa kwarto nila Mommy.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako kay Jayzer, kaya agad akong pumunta rito para ma confirm kung totoo ba talaga na siya ang dahilan kung bakit kami nagbreak noon. Alam kong hindi ko na rapat ito pinoproblema pero kailangan ko lang malaman ang totoo.
" Mommy! Daddy! " tawag ko sa kanila. Nandito ako sa labas ng pinto nila, hinihintay na pagbuksan ako.
" Oh anak, gabi na ah... May problema ba? " bungad na tanong sa'kin ni Mommy.
" Gising pa po ba si Daddy? " diretsong tanong ko.
" Oo nak, pasok ka " aniya at pinapasok ako sa kwarto nila. Nakita ko si Daddy na may binabasang papers habang nakaupo ito sa sofa nila.
" May kailangan ka ba anak? " tanong ni Daddy at nilapag ang papers sa center table.
" I want to ask you about something Daddy " magalang na sagot ko, kahit sa loob ko ay gusto ko nang magwala at umaasa na sana hindi totoo 'yung nalaman ko.
" Sure nak " sagot pabalik ni Daddy, kaya huminga muna ako nang malalim.
" Kayo po ba ang dahilan kung bakit kami nagbreak ni Jayzer? " diretsong tanong ko pilit kong binabasa ang mata ni Daddy pero walang emosyon ang mga ito.
" Saan mo naman nalaman 'yan? " tanong pabalik ni Daddy.
" Daddy sagutin niyo na lang po 'yung tanong ko " sagot ko at konti na lang ay paubos na ang pasensya ko.
" Kapag ba sinabi kong hindi ay maniniwala ka? " tanong pa ni Daddy.
" Hindi po kayo ang dahilan ng pagset up kay Jayzer sa anak ng Adviser Namin noon? " tanong ko rin pabalik.
Hindi magawang sumagot ni Daddy at tinignan lang si Mommy.
Napayuko at bumagsak ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
" Silent means yes " nanginginig na utas ko at pinunasan ang luhaang mukha ko.
" All this time cheater ang tingin ko Jayzer kahit hindi naman talaga, bakit niyo ba 'to ginagawa sa'kin Daddy " diretsong sabi ko, ayoko nang magtama ang tingin namin at baka lalo lang akong umiyak.
" Para sa'yo rin naman ang ginawa ko Paisley, deserve mong magkaroon nang mas magandang future " sagot ni Daddy, mapait akong ngumiti sa kaniya.
" MAGANDANG FUTURE? KANINO? SA ANAK NG BUSINESS PARTNER MO? " sunod-sunod na tanong ko, pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko talaga magawa.
" Everytime na sinabi mong para sa future namin, laging nakadugtong na dapat kong pakasalan iyang anak ng business partner mo " sabi ko nang wala pa rin akongEverytime natatanggap na sagot mula sa kaniya.
" Syempre mas gusto mo 'yun, kasi nga mas lalago ang Company kapag nagpakasal ako sa anak ng business partner mo " sarkastikong sabi ko.
" Anak " mahinahon na saway ni Mommy sa'kin.
" Titigil na'ko Mommy " sagot ko kay Mommy at muling binaling ang tingin kay Daddy.
" Thank you Daddy, Lalo mo lang pinamukha sa'kin na Business first before me " sabi ko pa at inayos ang damit ko para makaalis na.
" Goodnight na lang po sa inyo " paalam ko kay Daddy at nilapitan si Mommy para makapag goodbye hug.
Bumitaw si Mommy sa yakap ko kaya pilit na ngiti ko siyang tinignan. Hindi ko na hinintay pang magsalita si Mommy, lumabas na agad ako. For sure magsesermon na naman siya dahil sa naging asal ko ngayon.
Ikaw ba naman biglang pumunta sa bahay dis oras ng gabi.
*KRINGGGGGG*
Hindi pa nga ako nakalabas ng bahay may tumatawag na agad.
" Bakit? " agad na tanong ko, tumawag kasi si Yanna.
" Anong balita? " tanong niya pabalik.
Lumakad ako pababa ng hagdan para makauwi na.
" Si Daddy nga " dismayadong sagot ko.
Yawa naiiyak na naman ako at hindi ko alam kung alin ba ang dapat iyakan ko.
" Dumiretso ka na sa bahay mo " sagot niya, kaya kunot noo akong lumabas ng bahay at sumakay agad ng kotse.
" Anong meron? " takang tanong ko at agad na nagseatbelt.
" Umuwi ka na lang para malaman mo, ingat ka " aniya at walang pasabi na pinatay ang tawag.
Tangina ang daming ganap ngayong araw, hindi pa ba 'to tapos... Kasi pagod na pagod na ako...
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND (GXG)
Teen FictionGIRLFRIEND(GXG) Paisley Shae Nevares, a lovely woman fell in love with Veronica Vien Cibrina a tomboy. She had the confidence to confess her love to her, because she believed they would never see each other again. However, a surprising turn of even...