Paisley Shae Nevares's POV
*KRINNGGGG
Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko, tamad kong kinuha ang phone at 'saka inayos ang sarili sa paghiga.
" Hello? " bungad ko ng hindi man lang tinignan kung sino ang tumawag, aga-aga pa may tumatawg na agad.
" Ate, 'wag mong kalimutan na birthday ngayon ni Mommy " sagot ni Rainley, napabangon ako kahit na sobrang sakit ng ulo ko.
" Oo " sagot ko at pinatay ang call, tinignan ko ang itsura ko. Naka Night dress na'ko, mukhang hinatid na naman ako nang magjowa.
Inayos ko muna ang kama ko at agad na kinuha ang phone at sticky na naka lagay sa side table ko.
" Our Paisley is drunk as fuck, so better eat the soup in the fridge when you wake up ~Xandra "
Napangiti ako sa nabasa ko, kahit na ilang beses na rin naman nila to nagawa sa'kin. Napaka thankful ko talaga na naging kaibigan ko sila.Pumunta na akong kitchen para kumain, hindi ko alam kung gaano karami na naman ang nainom ko, buti na lang at Sunday ngayon. Pero kailangan ko ring umalis dahil birthday ngayon ni Mommy.
3 HOURS LATERRRRRR
Nandito na ako sa bahay, nagpakawala muna ako nang isang malalim na buntong hininga at 'saka bumaba sa kotse ko dala ang gifts para kay Mommy.
" Mommy! " sigaw na tawag ko nang wala akong nadatnang tao sa sala.
" Iha, nasa pool po sila madam " sabi sa'kin ng kasambahay namin.
" Sige po, thank you po nay " pasalamat ko at agad na tinungo ang pool sa likod ng bahay. Wala pa man ako sa pool ay tanaw kong naliligo si Rainley habang si Mommy at Daddy ay nasa patio chai habang may kinakain na kung ano sa table patio.
" Happy birthday Mommy " bati ko habang nakayakap mula sa likod niya.
" Nakakagulat ka naman anak " aniya at inalis ang kamay ko sa katawan niya. Iniharap niya ako sa kaniya at 'saka pinagmasdan ang kabuuan ko.
" Namamayat ka 'ata anak, kumakain ka pa ba ng maayos " aniya at pinaupo ako sa tabi niya.
" Kumakain ako Mommy, nagdiet lang po ako kasi tumataba ako nung nakaraan " pagsisingaling ko, pero ang totoo talaga ay namayat ako dahil sa hindi ako kumakain sa tamang oras at minsan ay nakakalimutan ko pang kumain sa sobrang busy.
" Heto po gifts ko sa inyo, and nagdala na po ako ng Tea para sa inyo ni Daddy " dagdag ko at nilagay sa table ang bitbit ko.
" Walang akin ate? " tanong ni Rainley sabay lahad ng kamay niya.
" Nasa table 'yung donut " sagot ko, ramdam ko na nakatingin sa'kin si Daddy pero nagpanggap ako na hindi ko siya napansin.
" Anak, may lalakarin ka ba ngayon? " biglang tanong ni Daddy ng hindi ko siya tignan.
" Wala naman po Daddy, pero baka magpahinga lang po ako bahay... Marami na naman po kasing gagawin bukas sa office " sagot ko.
Alam kong aayain nila ako somewhere ni Mommy at ipapakilala sa mga business partner nila. Ang worse is kasama pa talaga ang mga anak, pagod na'ko sa company ayoko nang makipag interact pa sa mga tao.
" May problema ba? " tanong niya kaya agad akong umiling.
" Wala naman po, pero minamanage ko na lang po 'yung mga paparating na products " sagot ko, totoo naman ang sinabi kong marami akong gagawin, kaya sana naman 'wag na nila ako isama somewhere.
" Mahal, 'wag na na'tin isama si Paisley mamaya " sabi ni Mommy at Tama nga ang hula ko na gusto nila ako isama sa kung saan.
" Sige " sagot ni Daddy at ibinalik ang tingin sa'kin " Pero anak kung may problema sa Company ay magsabi ka lang para matulungan kita " aniya at agad naman akong sumagot
" Okay lang po Daddy, kaya ko naman po kahit na magkaproblema... Ang importante po ay alagaan niyo na lang ang sarili niyo " sagot ko.Isa sa dahilan kung bakit naging tagapagmana ako ng Company sa mismong 20th birthday ko, dahil mas pinili na ni Daddy na ingatan ang health niya at magfocus kay Rainley. Dahil sa pagkakalaam ko once na mag 21 si Rainley ay ipapasa ko na sa kaniya ang Company, may 4 years pa naman bago siya maging tagapagmana pero bakit naman ang aga rin nilang sinasanay si Rainley.
Hindi ko alam kung bakit kailangan pati si Rainley ay matutunan ang mga gawain sa company imbes na magpakasaya sa edad niya ngayon.
" Ikaw na naman ang CEO, kaya alam kong hindi mo pababayaan ang company " sagot niya pa, at gan'un na lang ang tiwala niyang hindi ko pababayaan ang Company niya.
Hindi naman ito ang ginusto ko, pero wala naman akong choice kundi ingatan ang pinakamamahal niyang Company.
" Maiwan muna namin kayo rito nak, maghahanda lang kami ng Daddy niyo para sa lakad namin " paalam ni Mommy at tumayo dala ang gifts at paper bag na may lamang tea.
" Sige po Mommy " sagot ko at tinignan na lang si Rainley na kumakain ng donut sa gilid ng pool.
Minsan talaga ay iniisip ko na hindi baleng ako lang ang mahirap para sa Company, 'wag na si Rainley dahil ayokong maranasan niya 'yung mga naranasan ko. Pero dahil sa kagustuhan ni Daddy na pati siya sanayin tungkol sa business ay naaawa na naiinis kung bakit wala akong magawa para pigilan si Daddy na 'wag nang idamay si Rainley sa Business.
*KRINGGGGGGG
" Hello " bungad ko ng sagutin ang tawag.
" Alam mo na ba 'yung balita? " tanong niya agad sa'kin. Taka kong tinignan ang screen ng phone kung tama bang si Yanna ang tumawag, pero bakit boses ni Xandra ang narinig ko mula sa kabilang linya.
" Magkasama kayo ni Yanna? " takang tanong ko at hindi ko pinansin ang tinatanong niyang balita.
" Yes, so alam mo nga ba 'yung balita? " tanong niya ulit.
" Anong balita ba? " iritang tanong ko pabalik. Malay ko ba kung anong klaseng balita ba ang tinutukoy niya, sa sobrang dami ng balita ay hindi ko alam kung anong balita ang sinasabi niya.
" Possible na bumalik ng Pinas si VERONICA " diretsong sabi niya, habang ako iniisip kung tama ba ang narinig ko.
Nilapitan ako ni Rainley at tinignan ang mukha kong hindi maipinta. Hindi ko naintindihan kung ano ang sinasabi nila sa kabilang linya sa sobrang ingay.
" Hindi mo alam ate? " biglang tanong ni Rainley, kunot noo ko siyang tinignan.
" Ang alin? " takang tanong ko.
" Nagtrending si ate Veronica dahil sa interview kung kailan ba siya babalik ng Pinas, pero ang sagot niya lang ay SOON " diretsong sagot niya, dahilan para ikatulala ko. Hindi ko alam kung matutuwa o ano ba ang dapat kong maramdaman sa sinabi ni Rainley.
" Ate " tawag niya sa'kin, kaya agad ko siyang tinignan at hinihintay ang susunod na sasabihin niya. " Kung babalik ba si ate Veronica " huminto siya at hindi niya alam kung sasabihin niya pa o 'wag na " Eh ano kung babalik siya " diretsong sagot ko.
" Kung babalik siya sa'yo tatanggapin mo ba siya ulit? " tanong niya, pero heto ako hindi magawang sagutin ang tanong niya.
" Hindi ko alam " sagot ko at tinignan ang kamay ko suot ang singsing na binigay niya.
Ayokong umasa na kaya siya babalik sa Pinas para lang sa'kin, napaka imposibleng mangyari 'yon.
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND (GXG)
Teen FictionGIRLFRIEND(GXG) Paisley Shae Nevares, a lovely woman fell in love with Veronica Vien Cibrina a tomboy. She had the confidence to confess her love to her, because she believed they would never see each other again. However, a surprising turn of even...