CHAPTER 11

158 6 0
                                    

Paisley Shae Nevares's POV

" ATEEEEE! " nagising ako dahil sa pagtawag sa'kin ni Rainley mula sa labas ng kwarto. Dapat pala hindi na ako lumabas ng hospital kung ganito lang din na gigisingin ako ng kapatid ko.

Bumangon ako at binuksan ang pinto " Aga-aga nambubulabog " inis kong utas sa kaniya.

" Nandito si Ate Veronica "  diretsong sabi niya.

YAWA! Anong ginagawa niya rito? Binabawi ko na yung sinabi ko about sa hospital.

" Please lang 'wag kang sisigaw at magpa panic "  pakiusap nito at umalis.

Mabilis akong kumilos dahil nagpapanic ako, kahit  sinabihan na ako ni Rainley. Nagsimula akong lumakad pababa ng hagdan,  at habang papalapit ako sa sala ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Napangiti ako ng nakita siyang  nakaupo " Veronica " tawag ko rito.

" Good morning, Paisley " bati niya pa lang kinikilig na ako.

Ikalma mo Paisley,  hindi mo pa nga alam kung bakit siya nandito.

" Good morning " ngiting inlo— este ngiting bati ko.

" Veronica,  mag almusal muna kayo bago umalis " sabi ni mommy at itinuro ang dining table na puno ng pagkain.

Aalis kami? Saan? Bakit ako kasama?

Alam kong nahihiya siya,  kaya hinawakan ko ang braso niya at hinila papuntang dining table.

Hawak lang naman,  hindi ako pumaparaan noh.

Itinuro ko ang upuan " Kain na "  at nginitian ko siya.

" Hindi ba sasabay sa'tin sila Tita at Rainley? " tanong nito,  halatang nahihiya pa  kumuha ng pagkain.

Inilingan ko siya " Isasama ni Mommy si Rainley sa lakad niya " iyon na lamang ang sagot ko. Nilagyan ko ng  pancake ang plato niya, baka hindi kumain eh.

Nginitian niya ako ng ihain ko 'yung pancake " Favorite mo 'yan,  'wag ka na mahiya "  at ngumiti ako pabalik.

Aga-aga pinapakilig ako ng ngiti mo.

" Thank you " pasalamat niya at nagsimula na ring kumain.

Ilang minuto rin bago kami natapos kumain,  nilingon ko si Veronica na hawak-hawak ang phone niya.

" Paisley " tawag niya pero sa phone pa rin ang tingin niya. Walang modo rin 'to,  tinawag pangalan ko pero sa phone ang tingin.

Taka ko siyang tinignan " Bakit? " tanong ko.

" Magjeans ka at aalis tayo "  sabi ni at ngumiti ulit.

Nakakailang ngiti ka na,  maawa ka sa'kin.

" Saan tayo pupunta ? " curious ako eh,  bakit ba.

" Secret! "  mapang asar niyang sabi.

" Hindi ako sasama " sabi ko.

Gusto kong sumama,  pero dapat alam ko kung saan.

Tinignan niya ako at hindi ko alam kung  bakit bigla ako nakaramdam ng kaba.

" Magbihis ka na big bike pa naman ang dala ko " utos niya,  wala talaga siyang balak sabihin kung saan kami pupunta.

Pasalamat ka love kita...

...........

Agad kong tinanggal ang helmet ng naka baba ako sa big bike ni Veronica. Nilibot ng mata ko ang pamilyar na lugar. Kinikilig ako buong byahe dahil nakayakap ako kay Veronica,  wala naman siyang angal  kaya ayun  nilubos ko na.

GIRLFRIEND (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon