03

92 5 0
                                        

WALANG gana akong nakapalumbaba sa desk ko. Masiglang nagtuturo ang prof pero wala ako ni isang maintindihan. Sobrang s'werte ko talaga na nakarating ako sa fourth year college kahit mahina ang kukote ko.

Halos isang oras din ang tinagal ng prof sa pagtuturo. Nang makaalis na siya ay nakahinga nang maluwag ang mga classmate ko, sympre gayon din ako.

Break time na namin pero wala akong balak na sumama kay Daleyza papunta sa cafeteria. Hindi dahil busog ako, kung hindi dahil wala akong pera ngayon. Si papa kasi ay hindi umuwi kagabi. Dala-dala ko ang pag-aalala hanggang sa pagpasok sa eskwelahan. Kaya rin siguro ako walang gana ngayon dahil hindi na nga ako nag-umagahan, tapos hindi ko pa alam kung ano'ng kalagayan ni papa ngayon.

Panay sakit ng ulo binibigay ng mga magulang ko sa akin!

Hindi ko na naituloy ang pag-iisip nang mag-message si Daleyza. Tinatanong niya kung ano ang gusto kong pagkain. Sa ngayon ay kaylangan kong kalimutan ang pride ko. Gutom na ako kaya hindi ko dapat tanggihan si Daleya. Nag-reply ako sa kanya at sinabing gusto ko lang ng juice at tinapay.

Pagkababa ko ng phone sa desk ay nagulantang ako nang may maghagis sa akin ng chalk. Tumama iyon sa noo ko at nagbigay nang kaunting sakit sa akin. Iritado kong sinuri ang buong classroom. Lahat naman ng classmates ko ay abala sa kanya-kanyang ginagawa. Wala rin naman sigurong may galit sa akin dito para batuhin ako ng chalk. Kasi kahit mahina ako sa acads, mabait naman akong tao.

Sinubukan ko na lang na hindi pansinin iyon. Binaling kong muli ang atensyon sa phone ko. Nag-reply kasi si Daleyza. Nagrereklamo siya kasi mahaba raw ang pila at hindi siya makasingit. Sinabi ko namang gamitin niya ang charm niya para maisahan ang mga tao sa pila.

Napahawak ako bigla sa tiyan ko nang marinig ang pagkulo nito. Napatingin pa sa akin ang kaklase kong malapit sa akin. Tinago niya ang pagtawa habang ako ay tinago ang pagkahiya.

Napapikit ako at huminga nang malalim. Kinukumbinsi ko ang tiyan na huwag mag-ingay. Mukhang nagtagumpay naman ako. Nagpainat-inat na lamang ako ng katawan. Nang biglang mayroon na namang bumato sa akin ng chalk. Malas nga lang niya dahil hindi niya ako natamaan. Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang pagsinghal ng isa sa mga kaklase ko. Natawa pa ako dahil iyong kaklase kong iyon ang tinamaan ng chalk.

"Yara?" inis na tawag niya sa akin. Medyo maikli pa naman ang pasensya niya.

"Hindi ako," sabi ko naman.

"Sino?"

"Hindi ko alam. Pinag-ti-trip-an din ako."

Napailing-iling na lang siya at ibinalik muli ang tingin sa libro. Pagkaharap ko ay doon ko na nahuli ang misteryosong nambabato ng chalk. Pinandilatan ko si Ulysses na tuwang-tuwa sa ginawa niya. Para bang achievement para sa kanya ang pag-trip-an ako. Nasa tabi siya ng pinto sa harap ng classroom. Kaya naman nagtungo ako sa kinaroroonan niya. Bumungad sa akin ang mapang-asar niyang itsura.

"Close ba tayo?" taas kilay kong tanong.

Napabungisngis siya. "Makikipag-close pa lang ako. P'wede ba?"

Ano ba'ng kaylangan ng lalaking 'to sa akin?

"Ayokong nakikipagkaibigan sa matatalino," sabi ko.

"Ah, kaya pala kaibigan mo si Daleyza 'no? Hindi siguro siya matalino."

Tuluyan na akong lumabas ng classroom nang sabihin niya iyon. "Kilala mo si Daleyza?"

"Prof namin mommy niya. Saka ano ba 'yong sinasabi mo na 'di ka nakikipagkaibigan sa matalino? 'Yong bestfriend mo nga achiever naman."

"Pero hindi siya mayabang."

One Last Dance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon