10

74 4 0
                                        

R-18! Read at your own risk.

HINDI namin sinayang ni Ulysses ang bawat araw na dumaraan. Naging abala kami sa trabaho namin. Hangga't maaari ay kaylangan namin bilisan ang pag-iipon ng pambayad sa utang namin sa mga magulang niya. Noong nakaraang araw kasi ay nakausap ni Ulysses ang mama niya. May lupa raw silang nais na bilhin sa probinsya pero kulang ang pera nila. Ang sabi naman ni Ulysses, saka na lang daw nila bilhin kapag nalikom na niya ang halagang inutang niya sa kanila. Pumayag naman ang mama niya.

Kakatapos lang ng trabaho ko at kasama ko ngayon si Daleyza. Nag-aya siyang gumala kami kaya naman sinamahan ko na siya. Nagpunta kaming dalawa sa mall, mayroon daw siyang nais na bilhing dress.

"Nagtitipid ako," usal ko nang iabot niya sa akin ang isang white bodycon dress.

Gumuhit ang nangungumbinsing ngiti sa labi niya. "Gaga, kunin mo, libre ko!" Mabilis pa sa hangin kong kinuha ang dress. Tatawa-tawa naman siya. "Nag-asawa ka lang naging kuripot ka na," sabi pa niya.

"Kaylangan kong unahin mga pangangailangan namin kaysa sa kagustuhan lang."

Kumapit siya sa braso ko, saka lumakad kami papunta sa counter. "Parang kinukumbinsi mo akong hindi na lang mag-asawa," sabi niya.

"Bakit?"

Nahinto kami at binigay sa cashier ang pinamili. Matapos ay humarap siya sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ang haggard mo na kasi, wala ka pang anak n'yan ha! Mas bet ko pa 'yong dating awrahan mo," nakasimangot niyang saad.

Napasinghap ako. "Pagod lang sa trabaho. Nag-aya ka pa kasi rito! Diretso tulog na nga sana ako pagkarating sa condo."

"Hindi ako kumbinsidong diretso tulog ka na. Remember, 'te? Pagsisilbihan mo pa asawa mo! H'wag kang feeling single." Natawa pa siya nang sabihin iyon. Hindi na ako nakaganti ng salita nang hinanap niya ang wallet sa bag. Nang makuha ay nagbayad na siya sa cashier. Nakasukbit ang kamay niya sa braso ko habang palabas na kami ng store.

"May chika ako," sabik niyang usal.

"Ano?"

"Sure ako naaalala mo pa si Calli, right?"

Walang gana akong tumango. "Oo, 'yong kaaway mo."

"Na ex ni Ulysses 'di ba!" pahiyaw niyang sabi sa mismong mukha ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at lumayo nang kaunti sa kanya.

"Ingay mo," iritado kong sabi.

"So, ito na nga 'yong chika ko! Interesado ka ba?"

"Sabihin mo na lang."

"Nakita ko siya no'ng nakaraang araw sa mismong kumpanya namin! Dinalaw 'yong kaibigan niyang kasamahan ko rin sa trabaho. Aba, nagpakabait ako kunwari, nilapitan ko tapos nakipagk'wentuhan ako sa kanya. 'Te! Nag-sorry sa 'kin! Sabi niya kalimutan na namin 'yong away namin no'ng college," kuwento niya.

"Ano namang sabi mo?"

"Nagpakaplastik ako 'no! Kunwari okay lang sa 'kin, pero 'di talaga! H'wag siya! Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin 'yong sampal niya sa pisngi ko no'ng college!" inis niyang sabi saka humawak sa pisngi niya. Hinaplos niya iyon. "At ang nalaman ko pa, rito na siya nakatira sa Makati. Call center agent siya. Kin'wento niya buong buhay niya sa 'kin na akala naman niya close na kaming dalawa!"

Damang-dama ko ang kuwento nitong si Daleyza dahil nag-uumapaw ang emosyon niya sa mga pinagsasabi.

"Nakapagtapos siya ng kolehiyo?"

"Hindi, kasi ang sabi niya nagtrabaho na siya no'ng nag-dropout siya."

"Sayang naman, isang taon na lang sana siya sa kolehiyo."

One Last Dance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon