07

63 3 0
                                        

MADILIM ang naging buhay ko noong panahong iniwan ako ni papa. Tinanong ko sa sarili kung ano pa nga ba ang layunin ko sa buhay. Bakit pa ako nabubuhay? Pero sa bawat pagdaan ng araw ay ako rin ang nakasagot ng tanong na iyon. Ang layunin ko sa buhay ay ang mabuhay. Kaylangan kong ipagpatuloy ang paglalakbay ko sa mundong ito. Hindi ko sasayangin ang mga pagsasakripisyo ni papa para lang makaangat ako.

Halos isang taon na mula noong mawala ang papa ko. Hindi ko nilugmok ang sarili. Huminto lamang saglit ang buhay ko pero hindi ako nanatili sa paghinto. Binigyan ko lang nang sapat na oras ang sarili ko para matanggap ang lahat. At noong naging maayos ako ay hindi na ako nagdalawang isip na magpatuloy.

Nasa Maynila na ako nakatira. Iniwan ko ang mabigat kong nakaraan sa probinsya. Nagsimula ako sa bagong kapaligiran. At nakatulong ang Maynila para mahanap ko ang sarili. Nagtatrabaho ako sa isang kumpanya rito sa Maynila. Isa akong marketing assistant. Medyo may kalakihan ang sahod ko at sarili ko lang naman ang binubuhay ko kaya sobra-sobra ang salaping natatamasa ko ngayon. Habang buhay kong ipagpapasalamat ang tulong sa akin ni papa. Iyong pera kasing iniwan niya sa akin ang ginamit ko para makapunta rito sa Maynila. Kung wala siyang iniwan para sa akin, siguradong lugmok ako ngayon at hindi alam kung saan mag-uumpisa.

Boyfriend ko pa rin si Ulysses. Ang totoo nga n'yan ay magkasama kaming nakatira sa apartment. Hindi payag ang mga magulang niyang tumira siya kasama ako. Maghanap na lang daw siya nang ibang matitirahang apartment dito sa Maynila. Pero makulit itong si Ulysses. Ayaw niya akong iwanang mag-isa sa apartment kaya sinamahan niya ako. Mula noong nawala si papa ay hindi siya umalis sa tabi ko.

Live-in ang tawag sa setup namin. Ito ang pinakaayaw ng papa kong gawin ko. Noong nabubuhay pa siya ay pinaalala niya sa akin na huwag akong makikipag-live-in. Kung gusto kong makasama ang isang lalaki sa iisang bahay dapat ay magpakasal muna. Kaya gabi-gabi akong humihingi ng paumanhin kay papa dahil nilabag ko ang bilin niya. Gayunpaman, taas noo kong sasabihing walang nangyayari sa amin ni Ulysses. Alam niya ang limitasyon niya gayon din ako.

Dito na rin siya sa Maynila nagtatrabaho. Nakapasa siya sa Chemical Engineering Licensure Examination. Kaya ganap na chemical engineer na siya at ginagamit niya ang propesyon sa isang manufacturing corporation. Dahil nagsisimula pa lang siya ay hindi pa ganoon kalaki ang sahod niya. Pero wala siyang reklamo dahil halos lahat ng sahod niya sa kanya din lang napupunta. Ang gusto kasi ng mga magulang niya ay ipunin na lamang ni Ulysses ang suweldo. Dahil may trabaho naman ang mga ito at kaya nilang suportahan ang sarili sa pinansyal na pangangailangan. Kaya heto kami ni Ulysses, sarili lamang ang iniintindi sa ngayon.

"Linggong kay saya!" pasigaw na sabi ni Ulysses mula sa maliit naming sala. Nang maihanda ko na ang niluto kong meryenda ay nagtungo na ako sa kanya. Binaba ko sa harapan niya ang pagkain at kaagad niya iyong nilantakan.

Tumabi ako sa kanya. "Bukas pupunta raw rito si Daleyza."

Nakangiting tumango si Ulysses. "Hapon?"

"Oo, pag-uwi natin sa trabaho."

Sa magkaibang kumpanya kami nagtatrabaho ni Daleyza. Sinadya namin na hindi magsama sa trabaho. Ideya niya iyon, para raw walang komptesyon sa pagitan namin kapag may promosyon.

Wala naman akong planong makipagkompetensya! Overreacting lang siya.

Walang sabi akong sinubuan ni Ulysses. Ngiting bata rin siya na tila ba tuwang-tuwa na nakikita akong ngumunguya. "You're so pretty, baby," sabi niya.

Muntikan ko nang mailuwa ang kinakain ko dahil sa narinig. "Baby? Ano'ng trip mo ngayon?"

"Hindi ba nga mahilig ako sa baby? Sa ngayong wala pa tayong anak, ikaw muna baby ko," pabiro niyang saad.

One Last Dance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon