20

55 2 0
                                        

"MAGPAPAKASAL ka na?" hindi ko makapaniwalang tanong kay Daleyza.

"Yes! I'm ready na kaibigan! Matagal ko nang hinihintay na mag-propose siya. Kaya no'ng lumuhod siya sa harapan ko. Para akong batang umiyak. Nasa isipan ko no'n . . . This is it! Matutupad na dream ko!" masayang sabi niya.

Walang pagsidlan ang tuwa ko sa binalita niya. Mapupunit na ata ang labi ko dahil sa lawak ng ngiti. Sa wakas ay ikakasal na si Daleyza. Magkakaroon na rin ng sariling pamilya ang matalik kong kaibigan.

"Congrats, Daleyza. Alam kong handa ka na talaga. Mainam na buhay mo. Anak at asawa na lang talaga ang kulang," usal ko sabay yakap sa kanya.

"Sa kasal ko, walang iiyak ha," aniya.

"Ikaw ang maiiyak, sigurado 'yan."

Humarap siya sa akin. "Bawal akong pumangit sa kasal ko. Iiwasan ko talagang humagulgol." Mas dumikit siya sa akin. "May chika pa ako. Alam mo natawa ako kay dad. Ang sabi niya kabisado na raw niya gagawin sa kasal ko, kasi siya rin naghatid sa 'yo sa altar 'di ba? Naiyak pa siya no'ng pinaalam kong ikakasal na ako. Sa wakas daw, ako namang anak niya mailalakad niya."

Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos iyon. "Oy sorry, ako unang hinatid ng dad mo sa altar, dapat ikaw 'yon."

"Hoy! Baliw ka! That's okay. Honestly, sobrang happy ko para sa 'yo no'ng kasal mo. Na-imagine ko nga bigla 'yong sarili ko sa p'westo mo no'ng pagkalakad n'yong dalawa ni dad. Sabi ko sa self ko, ako naman next! At heto na nga, kaibigan!"

"Maitatanong ko na rin sa 'yo iyong tungkol sa consummation of a marriage," nakangisi kong sabi.

Humalakhak siya. "Gaga ka! Privacy oy!"

Pabiro ko siyang dinuro. "Iyan, naiintindihan mo na rin ibig kong sabihin noon! Sinabi ko rin na private 'yon. Tanong ka pa rin nang tanong."

"Sorry na, nakakahiya pala pag-usapan 'yon. Shy ako bigla sa 'yo," sabi niya. Kunwari pa niyang tinakpan ang mukha gamit ang mga kamay.

Nilahad ko na lang ang braso sa kanya. Senyales na nais ko siyang yakapin. Kaagad naman siyang tumugon. "Mahal na mahal kita, Daleyza. Ang hiling ko lang para sa 'yo, magkaroon ka nang masayang pamilya." Pinigilan kong hindi magbuhos nang labis na emosyon at nagawa ko naman.

Napalabi siya saka muli akong niyakap. Tinapik-tapik niya ang likod ko. "I love you rin, friend! Thank you!"

Napabitaw kami sa isa't isa nang mamataan namin si Ulysses na papasok dito sa condo. Nagtaka ako dahil napakaaga niyang umuwi ngayon. Tatlong oras lang ata siyang pumasok.

"Hi, Daleyza," nakangiti niyang sabi.

"Oh, Ulysses! May good news ako," tuwang-tuwa na sabi ni Daleyza.

Inayos ni Ulysses ang sapatos bago humarap sa amin. "Uhm? Ano 'yon?"

Napatayo si Daleyza. "Ikakasal na ako!"

Gumuhit ang magandang ngiti sa asawa ko. Naupo pa siya sa tabi ko. "Congratulations! Kaylan kasal?"

"Hmmm, 'di pa namin naplano 'e, pero i-update ko kayo kapag napag-usapan namin!"

Nag-usap pa ang dalawa. Ako naman ay iniwan muna sila para magligpit sa kuwarto. Kinuha ko ang maletang dinala namin sa Baguio no'n. Inalis ko lahat ng laman na gamit. Isang linggo na mula noong nagbakasyon kami roon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa naasikaso ang mga ito.

Maya-maya lang ay nagpunta si Daleyza rito sa kuwarto. Nagpaalam siyang aalis na. Binigyan ko muna siya ng yakap bago tuluyang umalis. Sumunod na pumasok sa kuwarto ay si Ulysses. Hawak niya ang batok niya habang mariing nakapikit. Nangunot ang noo ko sa nakitang kalagayan niya.

One Last Dance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon