MASAMANG panaginip lang ito. Walang katotohanan sa lahat nang nalaman ko. Niloloko lang ako ng mundo. Isa itong malaking biro at nais lamang akong patawanin. Oo, tama. Kaya hindi ko dapat ikalungkot ito kasi walang totoo sa mga nangyayari.
Napabalikwas ako sa pagbangon nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Bumagsak ang balikat ko nang makita si Ulysses. Nakatayo lang siya sa gilid ng pintuan. Ang mga mata niya ay humihingi sa akin ng permiso kung maaari ba siyang tumuloy sa pagpasok.
Mula sa ilalim ng kumot ay kinuyom ko ang mga kamao. Nagsihulugan na naman ang luha ko. Hindi ko man nakikita, alam kong namamaga na ang mga mata ko.
Napansin ko ang pagsilip ni Daleyza sa kuwarto. Nakahinga ito nang maluwag dahil nakita niyang maayos ang lagay ko. Gusto pa nga sana niya akong lapitan pero umiling ako. Ilang sandali lang ay lumakad na si Ulysses palapit sa akin. Nagdadalawang-isip siyang naupo sa gilid ng kama.
"I decided to take a DNA test," sabi niya.
Nilayo ko ang tingin sa kanya. "May nangyari ba talaga? 3 years ago?"
"Yara. . . ."
"Mayro'n ba? Tinago mo lang sa 'kin? Tatlong taon mong nilihim na may ginawa kang kalokohan?"
Naramdaman ko ang akmang pagkapit niya sa akin. Pero hindi siya nagtagumpay sa balak dahil nilayo ko ang sarili sa kanya. "Lasing na lasing ako," usal niya.
"May nangyari ba?"
"Y-ya—"
"Ulysses!" galit kong sigaw sa kanya. Pinanatili ko na ang tingin diretso sa malungkot niyang mga mata. "Bakit hindi mo maamin? Natatakot ka na baka mawala ako? Oo! Dapat lang na matakot ka, dahil kung totoong ikaw 'yong ama ng batang 'yon, baka hindi na ako magpakita sa 'yo!"
"Y-yara, h'wag naman ganito. H-hindi ko gin-"
"Sagutin mo ang tanong ko! May nangyari ba no'ng gabing 'yon?"
Bumagsak ang balikat niya at napatungo. Buong tiyaga kong hinintay ang isasagot niya. Nang makakuha siya ng lakas ng loob ay doon na niya pinakawalan ang mga salitang nagpasikip sa dibdib ko. "May nangyari, pero hindi ko alam ginagawa ko no'n, Yara. Kinabukasan nagulat na lang din ako no'ng maalala ko 'yong ginawa namin. S-sorr—"
"Huwag mong sabihing hindi mo alam ang ginagawa mo! Alam ko na 'yang gan'yang dahilan, Ulysses. Kabisado ko na 'yan! Huwag mo akong gawing tanga ngayon. Kahit lasing ka, alam mo sa sarili mong mayroon kang asawa. Huwag kang magdahilan ng kung anu-ano. Dahil isa lang naman ang totoong nangyari 'e. Iyon ay 'yong natukso ka!" sigaw ko sa kanya. Malalim ang bawat paghinga ko. "Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? Bakit tinago mo sa akin nang matagal na panahon? Ulysses! Tatlong taon 'yon! Kung hindi pa nagpunta 'yang ex mo rito kasama 'yong batang 'yon, hindi ko pa malalaman!"
Tahimik siyang napaiyak sa mga sinabi ko. Nakayuko lang siya. Wala itong balak na depensahan ang sarili.
Mabilis akong tumayo. Tumalikod ako kay Ulysses habang winawaksi ang mga luha ko. "May asawa ka na. Nandito na ako, pero nagpatukso ka pa sa ibang babae. May mali ba akong nagawa sa 'yo? Bakit naman gano'n 'yong ginawa mo?"
"S-sorry, Yara."
"Baka naiinip ka na kasi. Siguro ang nasa isipan mo noong gabing kasama mo si Calli 'e pagkakataon mo na para magkaro'n ng anak. Kaya pumayag ka na may mangyari. Isinantabi mo muna ako para magawa mo 'yong planong 'yon."
"No, Yara. Hindi gano'n 'yon."
Inis akong humarap sa kanya. "Huwag mo akong gawing tanga."
Dagli siyang lumapit sa akin. Hindi ako nakailag kaagad dahil mabilis niya akong niyakap. Nagpupumiglas ako pero hindi ako makawala. Ginamit kasi niya ang buong lakas para hindi ako makalayo sa kanya. Kaya kahit alam kong masasaktan siya ay malakas kong hinampas ang dibdib niya. Hindi lang isa, maraming beses. Ngunit tila ba manhid siya. Hindi niya ininda ang masakit kong pagganti sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/312524456-288-k358307.jpg)
BINABASA MO ANG
One Last Dance (COMPLETED)
Fiction généraleLove is the bright skyline on someone's dark path. It can turn what was once a lonely life into a life that is suddenly worth living. *** Mula noong nalugmok ang mundo niya sa kadiliman dahil sa nakagugulat na pagkawala ng kanyang ama. May kaisa-i...