01

194 4 0
                                        

Years Ago

"YARA, would you like to dance with me?" magiliw na tanong ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Wala sa kanya ang tingin ko dahil abala ang mga mata ko sa panonood sa mga estudyanteng nagsasayaw sa dance floor.

Nang hindi ako umimik ay yinugyog ako ng matalik kong kaibigan na si Daleyza. Bumulong pa ito sa akin. Ang sabi nito ay pansinin ko raw ang lalaking nag-aaya sa aking sumayaw. Napangiwi naman ako nang inilahad ng lalaking iyon ang palad niya sa harapan ko. Nang tinignan ko siya nang tuluyan ay lumawak ang ngiti niya.

"Sige na, Binibining Yara," aniya. Sa loob-loob ko ay gusto kong masuka sa sinabi niya. Hindi naman tunog malandi ang tuno nang pagkakasabi niya pero naiirita pa rin ako.

"Ayoko," sabi ko na ikinababa ng kamay niya. Napapahiya siyang humawak sa batok niya. Magulo rin ang mga mata niya at tila ba naging bato sa kinatatayuan.

"Gaga," bulong pa sa akin ni Daleyza. Tinignan ko ito at napangisi. Mabuti na lang medyo may kadiliman sa p'westo namin kaya hindi nila masyadong nakikita ang mga reaksyon ko.

"Okay, Yara. Sorry sa abala," rinig kong sabi ng lalaki habang ako naman ay nakatuon ang atensyon sa kaibigan ko. Inirapan na lang ako ni Daleyza. Nang makita pa nitong paalis na 'yong lalaking gusto akong isayaw ay mabilis itong tumayo at lumapit sa lalaki. Siya na lamang ang nag-aya sa lalaking sumayaw. At nagsayaw nga silang dalawa malayo sa akin.

Tumayo rin ako sa kinauupuan at nagtungo na lamang sa garden ng eskwelahan. Naupo ako sa mahabang wooden bench at tumitig sa kawalan.

Wala talaga akong planong magpunta sa acquaintance party na 'to. Napilit lang ako ni Daleyza. Pinahiram pa niya ako ng dress para lang makapunta. Napapakamot na nga ako sa katawan dahil pakiramdam ko kating-kati ako sa suot na dress. Pinagbigyan ko na rin itong kaibigan ko dahil last year na namin sa college. Noong mga nakaraang acquaintance party kasi ay hindi ako nagpupuntang talaga. Sabihin na nilang medyo kill joy ako, pero ganito talaga ako. Ayoko ng maingay na paligid. Ayokong nakikipagsalamuha sa ibang tao. Kaya nga hindi ko kinuha 'yong kursong gusto ng mga magulang ko para sa akin. Iyong education, kasi alam ko kapag nag-teacher ako ay maiirita lang ang buong pagkatao ko sa paligid. Business administration na lang ang kinuha kong kurso.

Kahit naka-dress ay hiniga ko ang katawan sa bench. Ako lang naman ang tao rito kaya kampante akong hindi masisilipan. Pinikit ko ang mga mata habang nakangiting dinadama ang simoy ng hangin. Kahit narito ako sa garden ay rinig na rinig ko pa rin ang musika na nanggagaling sa malalaking speaker sa acquaintance party.

Kakairita!

"Panty mo, kita ko."

Namulat ko agad ang mga mata. Dagli akong napaupo nang makita ang isang lalaking palapit sa kinaroroonan ko. Halos mag-init ang dugo ko nang maupo ito sa tabi ko. Kaunting peace of mind lang naman ang kaylangan ko, pero hindi pa maibigay ng mundo. Talagang nagdala pa rito ng hindi ko kilalang lalaki para basagin ang payapang pagpapahinga ko.

Sinubukan kong hindi tignan ang lalaking iyon. Diretso ang paningin ko sa mga halaman na narito sa garden. "Bastos. . . ." bulong ko na lang. Saka hindi lang naman panty ang suot kong panloob, nakamaikling shorts kaya ako.

Hindi man ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko ang mapang-asar niyang awra. "Joke, hindi ko nakita," aniya.

Badtrip naman 'to! Panira ng katahimikan!

Nang hindi ako magsalita ay siya ang nagpakawala nang pangungusap. "Kapag nahuli ka ng prof dito, lagot ka."

Hindi ako natakot sa sinabi niyang iyon. Sa katunayan nga ay nainis ako sa presensya niya. Gusto ko lang ng katahimikan tapos susulpot siya rito na kung umasta ay akala niya kilala ko siya.

One Last Dance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon