08

84 3 0
                                    

Slight R-18, but still read at your own risk.

LIMANG buwan mula noong proposal ni Ulysses ay napagdesisyunan naming ikasal na. Simpleng kasal lang naman pero sa simbahan pa rin ginanap. Kaunti lamang ang inimbita namin, mga taong may ambag lang sa buhay namin. Mula sa probinsya ay nagtungo rito sa Maynila ang mga magulang ni Ulysses at ang ate niya para makadalo sa kasal.

Ang naghatid sa akin patungo sa altar ay si Tito Jovan, daddy ni Daleyza. Wala akong maimbitahan na kamag-anak sa side ng papa ko dahil wala naman ako ni isang nakilala sa kanila. Mula pagkabata kasi ay walang nabanggit si papa na kapatid. Hindi ko naman pinaalam sa mama ko ang kasal ko. Hindi ko kayang makita siya sa importanteng araw ng buhay ko.

Isang linggo na matapos ang kasal namin ni Ulysses. Narito ngayon si Daleyza sa apartment. Tinutulungan niya akong mag-impake ng mga gamit. May nabiling condominium si Ulysses malapit sa kumpanyang pinapasukan ko. Inamin naman niya sa aking inutang muna niya sa mga magulang niya ang pinambayad sa condominium. Iyon pala iyong sinasabi niyang pinag-iipunan niya. Nag-iipon nang pambayad sa utang. Sinabi ko naman sa kanyang tutulungan ko siya sa pag-iipon. Hindi na ito nakatanggi pa. Wala siyang laban sa determinasyon ko.

"In all fairness, sobrang ganda ng condominium na nabili ni Ulysses," sabi ni Daleyza habang tutok sa paglalagay ng mga damit ko sa maleta.

"Ang lawak nga 'e."

"Ayaw mo? Goods nga 'yon para komportable kayo! Sympre para rin may maayos na matirahan 'yong mga soon anak n'yo!"

Kagat labi akong tumango. "Tama ka."

Pabiro niyang hinampas ang braso ko. Bakas sa itsura niya ang pag-oobserba. "Misis Yara Agravante Valencia, I'm dying to hear a news from you. Ano? How was the ride?" sabik niyang tanong.

Nangunot ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Gaga! The night after the wedding. The consummation of marriage thing?" tanong niya.

"Diretsuhin mo na lang ako! May consummation ka pang nalalaman, 'e hindi ko nga alam kung ano 'yon!"

Natawa siya pero kaagad din na sumeryoso. "Did you have sex?"

Napahawak ako sa dibdib at dinuro siya. "Jusko! Bakit mo tinatanong?"

"Para updated ako kung magiging ninang na ako!"

"Sa amin na lang 'yon! Huwag ka nga! Private 'yon!"

"Oh! So, true nga? Nag-sex na kayo?" namamangha niyang tanong.

Pabiro ko siyang binatukan. "Hindi pa, huwag kang excited."

Tumawa ako nang malakas nang bumakas sa itsura niya ang pagkadismaya. "Bakit? Ayaw mo ba? Ayaw niya? Sino'ng may ayaw?"

"Walang may ayaw. Kaya wala pang nagaganap, kasi hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol d'yan."

"Bakit kaylangan pang may discussion? Normal na lang 'yon! So, ano'ng ginawa n'yo sa mga gabing dumaan?" Abot sa kalangitan ang kuryosidad ng kaibigan ko.

"Ano ba'ng ginagawa sa gabi? Sympre natutulog!"

"Boring mo talaga, Yara. Ang old-fashioned mo rin! May asawa ka na tapos birhen ka pa rin? Mabuti pa ako, nakailan na!" sabi niya sabay pagtawa nang malakas. Parang nais ata niyang basagin ang mga salamin sa apartment na ito.

Bumuntonghininga ako. "Darating din kami sa ganoong bagay. Sa ngayon, kaylangan muna naming mag-ipon. Daleyza, hindi naman kami katulad mo na mapera. Kung ikaw lang, p'wede ka na magkaanak ngayon mismo. Kasi kayang-kaya mong buhayin. Kami? Hindi pa, kasi plano pa naming bayaran 'yong utang namin. Uunahin muna namin 'yong pag-ipunan. Pagkatapos, mag-iipon na ulit kami para sa magiging anak namin. Ayokong maglabas ng bata sa sinapupunan ko na walang sapat na pinansyal," paliwanag ko. Mukhang naintindihan naman niya iyon.

One Last Dance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon