09

68 3 0
                                        

"KASAL? Sure ka?"

Kunot noo akong napatingin sa dalawang empleyado na nag-uusap malapit sa akin. Narito ako sa cafeteria ng kumpanya. Habang nginunguya ko ang burger ay hindi ko maiwasang pakinggan silang dalawa sa usapan nila.

"Oo, 'te, magpapakasal na ako," sagot nitong magandang empleyado. Kilala ko siya dahil siya ang bukang bibig ng mga lalaking ka-department ko.

"Pag-isipan mong mabuti. Kasi kapag may asawa ka na. Limitado na galaw mo."

"Bakit naman?"

"Sympre kaylangang nakatutok ka sa pamilyang bubuuin ninyong dalawa ng asawa mo. Kapag kasal ka na, dapat ibigay mo na sa asawa mo ang sarili mo nang buong-buo. Ang ibig sabihin, dapat handa ka nang magkaroon ng anak. Sabi ng nanay ko, ang anak daw 'yong magiging pundasyon ng relasyon ng mag-asawa. Kaya kapag hindi ka pa handa magkaro'n ng anak, h'wag ka muna mag-asawa. Jowa-jowa muna, be," sabi nito sa kaibigan.

Imbes na makinig pa sa usapan nila ay kaagad akong bumalik sa department ko. Ayoko man maapektuhan sa sinabi ng empleyadong iyon ay hindi ko magawa. Para tuloy akong tinamaan ng bomba dahil tila ba nadurog ako.

Mali naman siya 'e. Desisyon naman ng mag-asawa kung gusto nilang magkaanak na o hindi pa. At hindi ko nakikita na ang anak ay ang pundasyon sa isang matibay na relasyon. Ang mga magulang ang dapat gumawa ng matibay na pundasyon sa isang pamilya hindi ang anak.

Bakit ang pamilya ko? Mayroon naman ako, pero walang nagawa ang presensya ko para hindi masira ang pamilya namin. Umalis pa rin ang mama ko at si papa lang ang nanatili sa akin. Kaya nasa tao talaga kung gusto nilang patibayin ang relasyon. Hindi nakasalalay sa anak ang pagkakaroon nang maayos na relasyon ng mag-asawa.

Nang matapos ko ang trabaho ay diretso uwi na ako. Gusto pa nga sana ni Daleyza na magkita kami at gumala, pero tumanggi na ako. Si Ulysses kasi ay hindi pumasok sa trabaho dahil sumama ang pakiramdam niya kanina. Gusto ko man huwag na rin pumasok ay hindi maaari. Maraming nakadagan na trabaho sa akin.

"Nakakainom ka pa ba ng pills mo?" tanong ni Daleyza sa kabilang linya. Mas dinikit ko ang phone sa tenga para marinig siya.

"Oo"

"Tuwing may nangyayari ba, gumagamit siya ng protection?"

"Opo"

"Sinusubukan n'yo na rin ba 'yong tinuro kong calendar method? Tandaan mo, tuwing safe days lang ang sex ha! Para hindi kayo masalisihan."

Hindi ko napigilan ang pagtawa. Kina-career kasi niya ang pagbibilin sa akin. "Oo na, Daleyza. Nag-iingat kaming palagi."

"Dapat lang! Kasi five years mong gagawin 'yan. Pero, Yara, may tanong ako."

"Ano?"

"Paano kung wala pang limang taon, pero nakabayad na kayo ng utang, nakapag-ipon na rin kayo para sa anak n'yo. Payag ka na magkaanak?"

Nahinto ako sa paglalakad. Medyo malapit na kasi ako sa condo kaya imbes na roon ko kausapin si Daleyza ay dito na lang sa labas. "Limang taon," sagot ko naman.

"Hindi magbabago isip mo? Loyal ka na sa limang taon?"

"Oo, saka, Daleyza, pakiramdam ko sobrang mahalaga na sa akin 'tong trabaho ko. Gusto ko pa rin magkaanak ha, pero kasi ayoko pa talagang manatili sa bahay para mag-alaga ng bata. Parang may kulang pa sa akin na gusto kong mapunan bago mag-focus sa pagbuo ng pamilya. Pakiramdam ko nga, kulang 'yong limang taon para mabuo ko 'yong sarili ko. May gusto kasi akong patunayan sa buhay."

"Gusto mo maging mayaman?"

"Parang ganoon na nga. Gusto kong mas humigit sa buhay. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ganitong mindset pero kasi ito 'yong gustong-gusto kong makamtan. Iyong magkaroon ng sariling business. Makapagpatayo nang malaking bahay. Saka iyong tipong hindi na namin poproblemahin iyong pera. Kaya ayon, ayoko munang maging full time mother," sagot ko.

One Last Dance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon