"DON'T cry, baby," mahinahong suway ni Ulysses kay Ada. Nakaupo ang bata sa hita niya habang umiiyak.
"Daddy, aalis ka? No, please," sambit ni Ada.
Dahan-dahang pinaupo ni Ulysses ang anak sa tabi niya. Tumalikod ito sandali dahil sa biglaang pag-ubo. Nahinto ko tuloy ang pag-iimpake. Dagli akong lumapit kay Ulysses saka hinaplos ang likod niya. Umubo ito nang umubo kaya naman nagsimulang umusbong ang labis na pag-aalala sa akin.
"Yara, ready na ba kayo?" Nakita ko si Daleyza na paloob sa kuwarto. Patakbo siyang pumunta sa kinaroroonan namin ni Ulysses. Pinakalma niya si Ada sa pag-iyak pero ang paningin niya ay nasa asawa ko. Katulad ko ay nabahala rin siya.
"Ulysses, ano ang nararamdaman mo?" tanong ko.
"N-nahihirapan lang akong huminga," pabulong niyang sabi.
"Daddy! Sama ako," sabi ni Ada. Humawak ito sa braso ni Ulysses. Naupo naman ako sa harapan nito para kausapin siya.
"Ada, dadalawin mo na lang si daddy sa hospital. Bawal kang sumama dahil makakukuha ka ng sakit doon. Hindi ba ayaw mong magkasakit?" kumbinsi kong tanong.
Napalabi siya. "Opo, Mama."
"Baby, mag-aral ka nang mabuti. Mag-e-enroll na kayong dalawa ni lola bukas. Kapag ginalingan mo sa klase magpupunta tayo sa paborito mong theme park," pangungumbinsing sabi ni Ulysses.
Nagkaroon ng kinang sa mga mata ni Ada. "Sa Enchanted Kingdom po?"
"Oo, magpupunta tayo ro'n." Mabilis na yumakap si Ada kay Ulysses. Napapikit ang asawa ko, dinama niya ang presensya ng kanyang anak. Imbes na malungkot ay nagpaguhit ako nang magaang ngiti.
"Get well soon, Daddy!"
"I love you, baby."
"I love you so so much, Daddy!"
Matapos nang pag-uusap nila ay napagdesisyunan na naming bumyahe papunta sa hospital. Nagpresenta si Daleyza na ihatid kami ni Ulysses sa hospital gamit ang kotse niya. Nag-abot pa siya sa akin ng dagdag na tulong pinansyal. Hindi ako tumanggi. Sa ngayon ay kaylangan kong kapalan ang mukha ko.
Nagpasa ako ng resignation letter sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Hindi simpleng bagay ang dahilan nang pag-re-resign ko kaya naman kaagad nilang naintindihan ang sitwasyon ko. Ayaw man nila akong bitawan ay wala na silang nagawa pa. Magkakaroon tuloy nang maagang promosyon dahil sa pag-alis ko. Kaylangan nila nang bagong hahalili sa iniwan kong posisyon.
Hindi madali ang pinagdaanan ko para makakuha nang mataas na posisyon sa trabaho. Kaya kinakain ako nang labis na kalungkutan ngayon. Ngunit ayaw kong makita ni Ulysses ang dinaramdam kong lungkot. Baka mahawa lang siya sa akin. Hangga't maaari ay dapat positibo lang ako.
"Call me kapag may kaylangan ka," sabi ni Daleyza habang naglalakad kaming tatlo papunta sa silid ni Ulysses.
"Maraming salamat, Daleyza."
"Sure thing. Keep me updated sa kalagayan niya. Saka kapag stress ka at need mo nang kausap, anytime akong available."
"Hindi ako tatawag kapag may trabaho ka."
"Nah! It's okay. I'm the boss," taas noo niyang sabi. Tinawa ko na lamang ang dapat salitang sasabihin ko sa kanya.
Nang makarating sa confinement room ay inayos ko na ang lahat ng gamit namin. Nag-uusap naman sina Daleyza at Ulysses. Itong kaibigan ko ay panay ang pag-che-cheer up sa asawa ko. Kaya kahit papaano ay naging magaan ang atmosphere sa loob ng kuwarto.
Ilang minuto lang ay nagpunta ng personal si Dr. Ramos sa silid namin. Pinaliwanag niya sa amin na kaylangan pa mag-undergo ni Ulysses sa blood tests bago isagawa ang chemotherapy.
BINABASA MO ANG
One Last Dance (COMPLETED)
Ficção GeralLove is the bright skyline on someone's dark path. It can turn what was once a lonely life into a life that is suddenly worth living. *** Mula noong nalugmok ang mundo niya sa kadiliman dahil sa nakagugulat na pagkawala ng kanyang ama. May kaisa-i...