"GOOD morning," bati ni Dr. Ramos nang makapasok siya sa kuwarto namin. Nakasunod sa kanya ang isang babaeng doktor.
Tumayo ako sa kinauupuan. "Magandang umaga po."
Nakangiting tumango sa akin ang babaeng doktor. Sinilip din niya ang natutulog na si Ulysses.
"Mrs. Valencia, I need you to meet Doktora Nica Ortiz, isa rin siyang oncologist. She would also like to assist Mr. Valencia," sabi ni Dr. Ramos.
Nakipagkamay ako kay Dra. Ortiz. Matapos ay kinausap ako ni Dr. Ramos sa labas ng kuwarto. Habang ang babaeng doktor ay sinuri ang lagay ni Ulysses.
"You can go home, Mrs. Valencia. Ipatatawag ko na lang kayo kapag chemotherapy session niya," sabi sa akin ni Dr. Ramos.
"Hanggang kaylan po magtatagal ang chemo niya?"
"The chemotherapy may last between 3 to 6 months."
"Bakit po ganoon? Parang hindi kinakaya ng katawa ni Ulysses 'yong chemo?"
"Maaaring nag-a-adjust pa ang katawan ni Mr. Valencia. After the treatment we will examine him. Gladly, hindi gano'n ka-aggressive ang cancer cells niya. Makompleto lang niya ang lahat ng treatment, posibleng magkaroon nang malaking pagbabago sa kanya."
Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi niya. "Maraming salamat, doc," nakangiti kong sabi.
Nang matapos ang usapan namin ay hinintay ko lang si Ulysses na gumising bago kami umuwi. Si Daleyza ang sumundo sa amin sa hospital. Nang makarating sa condo ay bungad kaagad sa amin ang masayang si Ada. Sandaling yumakap si Ulysses sa kanya.
"Daddy, you okay?" tanong ni Ada.
Ngumiti si Ulysses. "Yes, baby. I'm okay."
"Good, Daddy! I love you!"
Ginulo-gulo ni Ulysses ang buhok ng bata. Pagkaupo namin ay naghanda ng pagkain si Mama Reyna. Walang gana si Ulysses kaya naman hinayaan ko na lang. Ang sabi niya ay isusuka lang niya kaya sa halip na kumain ay matutulog na lang daw muna siya.
Nang makaalis sila Mama Reyna ay muling tumahimik ang condo. Na-mi-miss ko nang makatabi si Ada sa pagtulog. Kaso hindi naman siya maaaring manatili rito.
Pagod kong inihiga ang katawan sa tabi ni Ulysses. Mula noong namalagi kami sa hospital ay hindi na ako nakatulog nang kompleto, palaging bitin.
Akala ko ay tulog na si Ulysses pero hindi dahil minulat niya ang mga mata. "Binuksan ko phone ko kanina," malumanay niyang sabi.
"Uhm?"
"Nag-text si boss."
"Ano ang sabi?"
Ngumiti siya. "Makababalik pa ako sa trabaho. Basta magpalakas daw muna ako. Yara, after the treatment, you can also go back to work."
"Nag-resign na ako. Hindi ba sinabi ko naman sa 'yo?"
"Yara? Seryoso ka bang babantayan mo 'ko hanggang gumaling ako? Hindi natin sigurado kung hanggang kaylan 'tong treatment ko. Baka nga habang buhay na ako sa pagpapagamot. What we need to do right now is to make this situation normal. Cancer doesn't mean death. Hindi ko ikamamatay 'to," seryoso niyang sabi.
Bumuntonghininga ako. "Hindi kita pipigilang magtrabaho, Ulysses. Pero sa ngayon huwag muna. Magpahinga ka muna hanggang matapos ang chemotherapy mo. Saka hindi pa kaya ng katawan mo. Matindi pa 'yong epekto ng treatment sa 'yo."
"Y-yara, I don't want to get stuck."
"Naiintindihan kita. Basta sa ngayon manatili ka muna rito. Kapag nabawi mo na 'yong lakas mo, p'wedeng-p'wede ka na ulit bumalik sa trabaho."

BINABASA MO ANG
One Last Dance (COMPLETED)
General FictionLove is the bright skyline on someone's dark path. It can turn what was once a lonely life into a life that is suddenly worth living. *** Mula noong nalugmok ang mundo niya sa kadiliman dahil sa nakagugulat na pagkawala ng kanyang ama. May kaisa-i...