Chapter 5 - Revelation

2.5K 55 44
                                    

Today is Archon and Isla's official engagement party na dito ginanap sa bahay ng mga Marasigan. Malawak kase ang garden ni Mama Keena.

Saludo talaga ako sa pagiging masokista ko e.

But this will be the last.

I promise.

I decided to go to Italy next week, ready na ang gamit at ticket ko. Siguro ito na yung time to do something for the betterment of myself. Ito din ang nakikita kong paraan para makalimot. At idedecline ko din yung pagiging bridesmaid bukod sa wala ako dito sa kasal nila next month, hindi rin talaga pwede.

Hindi ako babalik sa Pinas hangga't hindi ako nakakamove on kay Archon. Hahanap ako ng lalaking magaling mag French kiss, iikutin ko talaga ang Europe.

Actually kanina pa ang main even natapos, gusto ko na nga umuwi kase nahihilo na ako but I hate to be the first one to go, everyone is enjoying. Lahat kami ay nakaupo sa mahabang lamesa at ang iba ang kumakain pa.

Kami-kami lang naman ang nandito, despite of Isla being a celebrity, sobrang pribado naman ni Archon. Walang ngang mga social media account yun eh.

After the main event, everyone is catching up na sa mga life updates ng bawat isa and my Mother earth announces my departure next week.

Napatingin ako kay Archon pero sobrang nakatuon ang pansin niya kay Isla. They looked so happy.

He doesn't really care about me. Kahit na umalis ako at magpakalayo.

Mas makakabuti nga sa kanya ang paglayo ko.

Hinawakan ni Tita Isabelle ang kamay ko.

"Mag-ingat ka dun sa Italy ha. I am surprise pinayagan ka ni Mondi, alam mo naman ang Mama mong yun, gustong lagi kang nakikita."

"Ginamitan ko ng pinagbabawal na teknik, Tita." I giggled.

"But are you okay though? Namumutla ka." Nag-aalalang tanong ni Tita Belle

Kinuha ko ang baso ng tubig sa harap ko at uminom. Nilapitan ako ni Kaia at sinipat ang noo ko.

"Oo nga, bakit ang putla mo, Debs?"

"Punta muna ako sa taas, Kai, Tita Belle. Kanina pa kase ako nahihilo ako." Sabi ko kay Kaia at Tita pagkatapos ay tumayo na ako.

Napasandal ako sa pader ng hallway papunta sa kuwarto ni Kaia. Umiikot na talaga ang paningin ko. Hindi ko na kinaya, tuluyan nang nagblack out ang paningin ko.

Natakot ako baka kung anong mangyari sakin pagbagsak ko sa lapag. Naramdaman ko pa ang matigas na bagay na sumalo sakin bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Noong nagising ako ay nakita ko ang doctor na nagliligpit ng gamit. Nandito si Mama Keena, Mama Mondi, at Tita Belle sa kuwarto ni Kai. Si Archer din na lakad ng lakad sa loob ng kuwarto, hindi maipinta ang mukha. Archon is also here with Isla.

Malakas ang kabog ng dibdib ko.

"Anong pong nangyari?"

"Nahimatay ka, Debs. How are you feeling?" Tanong ni Mama Keena.

"Medyo okay na po ako. Napagod lang po ako. Hindi niyo na po sana inabala si Dra. Jimenez."

Dra. Rosenda Jimenez is our family doctor. Ngumiti siya sakin.

"I have one last test na gagawin sayo. Are you comfortable na nandito sila?"

Tumingin ako sa lahat ng nasa kuwarto. At nadaanan ng mata ko si Archon, ngumit si Isla sakin na mahigpit ang hawak sa kamay ni Archon.

"Doc, baka magresched nalang ako ng check up sa inyo para makaresume na po ang party sa baba." I said in a small voice.

"No. You will do the test now, Debbie. Papatayin mo ako sa pag-aalala. I want to be assure na ayos lang lahat sayo." Matigas na sabi ni Mama Mondi, no room for protests.

Just a Little Bit of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon