"Debs... we need to talk."
Wala akong pakialam kung galit siya, wala siyang karapatan na magalit sakin dahil siya ang nang-iwan.
Hindi ko pinansin si Archon at tinuon ko nalang ang atensiyon ko kay Errie at dun ko lang napansin na basa ang damit niya. Pasimple din akong tumingin kay Archon at basa din siya. Nilihis ko nalang ang paningin ko nang matuon ito sa dapat hindi tignan. Namula ako. Bwusit.
"San ka galing, Delainey Averrie?" I said in a very serious voice kaya napayuko si Errie. She's so much matured on her age, alam na alam kung pinapagalitan siya at alam niya din kung paano ako paamuin.
"Sowwy... Nay-Nay..." She said in a small voice.
"Sorry ate. Nakila Nat-Nat pala si Errie, naligo sila sa dagat sa tapat ng bahay nila Nat-Nat." Sabi ni Tess.
Si Nat-Nat ay ang anak ng kapitbahay namin, 5 years old at babae na laging kalaro ni Errie. Ang bahay nila ay mga tatlong bahay ang layo mula samin.
Hindi pa din maalis sa isip ko na paano kung hindi nila nabantayan at biglang tumaas ang tubig.
"Nay-Nay, palo pwet Ewwie?" Inosenteng tanong ni Errie na binibigyan ako ng puppy eyes.
Hindi uubra ang puppy eyes ngayon. Sobrang nag-alala ako kanina.
Binigay ko si Errie kay Tess at pinapasok na sa bahay pero bago pa sila makapasok sa bahay ay sumigaw si Errie kay Archon.
"Tenk you, Manong!" Matamis ang ngiti niya kay Archon.
Mas kaunting kirot sa puso ko. Thinking of what could have been kung hindi umalis si Archon. Errie wouldn't call her Manong, she will be a Daddy's girl.
I cleared my throat dahil unti-unti itong nagbabara dahil sa sari-saring emosyon.
"She's beautiful." Archon's whisper.
"Umalis kana, Archon."
"Please, Debs... Kailangan natin mag-usap." Mahinahon niyang sabi.
"Wala na tayong dapat pag-usapan, Archon. You made made your choice almost a year ago and that doesn't include us."
Pagkasabi ko noon ay tumalikod na ako. Nadatnan ko si Errie na nagbebehave sa sala habang nanonood ng Trolls.
"Enough na ang watching. You'll dress up for bed, Averrie." And again she gave me a puppy eyes but I ignored it, turned off the T.V and picked her up on my arms.
I gave her a half bath and pinasuotan ko ng pajamas.
She whispered, "Sowwy Nay-Nay. Ewwie bad." Then she wrapped her small arms around me.
Noong una ayaw pang matulog ni Errie pero isang oras na hele ay nakatulog din siya sa braso ko.
I sighed as I combed her hair.
"I love you, Errie. Nanay will always protect you." Then I kissed her forehead.
Kung kailangan kung ipagkait si Errie sa Tatay niya para hindi. siya masaktan, gagawin ko. Hindi ko hahayaan na masaktan siya at lumaking tinatanong ang sarili kung bakit hindi kami ang pinili ng Tatay niya.
Maya-maya pa kumatok si Tess at dumungaw mula sa pinto.
"Ate Debs, nasa labas pa din yung Poging Manong kanina na nagligtas kay Errie. Sino ba yun?"
Kumunot ang noo ko at bumangon, sinatinig ang tanong ko.
"Nagligtas? Anong ibig mong sabihin?"
Tess looked so guilty.
BINABASA MO ANG
Just a Little Bit of Your Heart
RomanceArchon and Debs' Story ------ Bata palang gusto ko na siya. At ginawa ko ang lahat para mahalin niya ako. But I will always be the least pagdating sa kanya.