Sabi ng psychologist ko noong isang buwan na akong nagpapatingin sa kanya, I needed an outlet para mailabas at maibaling ko sa iba ang atensiyon ko mula sa masasakit na alaala ng nakaraan. Kaya nagpasya akong magtayo ng isang pastries and coffee shop sa baba lang ng isang apartment sa Italy, mga two blocks lang ang layo sa apartment namin kaya walking distance lang siya. I took the money from my savings and some on my investment earnings. Nag-alok sila Mama Mondi na tumulong sakin, ang gusto pa nga nila malaking coffee shop na, ganun nila pinagkakatiwalaan ang galing ko.
Madami nadin akong customers dahil daanan itong apartment building papuntang business district. Nakakapagod pero fulfilling siya. Minsan, I had to bake ng dalawang batch ng pastries dahil tanghali palang ubos na at marami pang naghahanap.
I named it Bitter & Sweets by D.
It somehow resonates my memories with Archon, everything is bitter and yet, sweet. Naaalala ko noon, I wanted to learn baking dahil sa kanya, he loves sweets and I was so desperate to please him, to make him look at me even just for once but all I got is rejections kapag binibigay niya sa iba o tinatapon yung binabake ko para sa kanya. How stupid I am na dapat madiscourage na ako dun palang but I took it as a challenge, gusto ko maging magaling na baker baka kase pagnabake ko na yung perfect brownies, mapapansin niya ako o pupurihin man lang. I was that fucking desperate na kapag naaalala ko ngayon napapangiwi ako o binabatukan ko ang sarili ko.
But I guess, I had to thank him padin dahil sa kanya mas lalo akong nagpursigi na maging magaling. Oo, noong una mali ang dahilan ko dahil ginagawa ko yun para sa ibang tao pero ngayon, ginagawa ko na para sa sarili ko. I started to love baking, sobrang masaya ako kapag nakakagawa ako ng pastries na kakaiba katulad nung ginawa ko noong nakaraang linggo, a drunken brownies. I baked brownies with spike of wine and whiskey. Masarap kaso sila Mama Mondi at Papa Ahmed lang ang kumain pati ang dalawa kong staff sa maliit kong shop.
May dalawa akong staff sa Bitter & Sweets by D, sina Fleur at Jacques. They are both 18 years old and currently out of school because both are taking break before going to University. Nakakatawa lang dahil aso't-pusa rin sila at syempre may naaalala akong bitter memories dun, konti. Si Fleur ay isang pure Filipina na dito na pinanganak sa Italy, cute-size na 5ft flat, soft-spoken at mahilig sa arts. Siya yung nagdedesign ng mga cupcake, small cakes and other pastries namin. Habang si Jacques naman, mabait pero maingay at sarcastic, he's half-Filipino-Italian, he's 6 ft tall pero hindi applicable sa kanya ang gentle giant na description, balahura kase 'tong batang to. He loves baking dahil yung Lola niya ay may sariling bakery dati sa Pinas.
Napapailing nalang ako ngayon na nakikita ang dalawa na nagtatalo na naman sa isang design ng cake, kung anong kulay ang gagamitin sa coating. Sa totoo lang, isang staff lang naman ang kailangan ko dahil maliit lang naman itong shop. It only have 6 tables pero dahil walang ayaw magpatalo sa interview nun, ayan dalawa sila ang kinuha ko. Good thing din na laging maingay ang dalawa para walang dull moments para sakin. Lagi akong distracted and no time para mag emote.
"Dak, makinig ka sakin, hindi bagay ang yellow at blue pagsamahin. Katulad natin, hindi bagay." Masungit na sabi ni Jacques na mas gusto ang white and gold combination.
Fleur suddenly twisted Jacques right arm.
"Anong tinawag mo sakin?" Nanliliit ang mata na tanong ni Fleur.
Napapailing nalang ako. Small but terrible talaga si Fluer.
"Dak... Bakit tama naman yun ah... Dak short for Pandak. Eh pandak ka naman talaga." Painosenteng sagot ni Jacques habang umuusok na sa galit si Fleur.
Sabay sinipa nito si Jacques sa balls at ayun bull's eye.
"Aw.... Aw... Shit..." Napahiga si Jacques sa sahig dahil sa sobrang sakit. "Napaka-amazona mo."
BINABASA MO ANG
Just a Little Bit of Your Heart
RomansaArchon and Debs' Story ------ Bata palang gusto ko na siya. At ginawa ko ang lahat para mahalin niya ako. But I will always be the least pagdating sa kanya.