Chapter 20 - Regrets

2.7K 56 41
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Errie. Nasanay kase siya sumabay nang gising sakin. Ako maagang nagigising dahil nagbabake din ako ng mga bread and pastries para sa Coffee on Us. Madalas naman nakaupo sa high chair si Errie habang pinapanood akong magbake minsan binibigyan ko din siya ng maliit na dough kase ginagaya siya din ako. Isa ito sa bonding naming mag-ina.

Natutuwa ako dahil intersado at nag-eenjoy ang anak ko sa hilig ko. Ito lang ang ilan sa common naming mag-ina eh.

Naligo kami ni Errie at nagbihis nang simple pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa kitchen ng Coffee on Us pero iilang hakbang palang ay nakita ko na si Archon na tila nakatambay sa harap ng store ko.

"Ate! Si Manong Pogi nandito, nakitulog samin." Biglang sulpot ni Tess na may hawak na walis ting-ting at dustpan, naglilinis na ng harap ng store. "Uy! Errie, mabibigay mo pa yung lollilip!"

Pumalaklak naman si Errie at sabi. "Nay-nay, lollilop." Hindi man buong sabihin ni Errie ay naintindihan ko. She wanted to go back to our house at kunin yung lollilop na tinabi niya. Sa totoo lang madamot si Errie sa lollies niya, hindi kase yung simpleng lollilop, I made it especially for her para less sugar at alam kong walang magic sugar. Iba't-ibang design ang ginagawa ko for her kaya pinagdadamot niya ito, even to her ate Tess at mga kalaro.

"Okay, Errie." Masayang lakad takbo si Errie papunta sa direksiyon ng bahay namin. "Tess, pasundan naman baka kung saan na naman pumunta."

"Ay! Kala ko pa naman makakasagap ako ng tsismis, ate Debs." Inirapan ko lang si Tess at natatawa din siyang tumakbo para maabutan pa si Errie.

Pagkaalis ng dalawa at binaling ko ang atensiyon ko kay Archon na nakatingin sa gawi ng pinuntahan ng anak namin.

"Bakit ka padin nandito?! Hindi ka ba hinahanap ng mag-ina mo?!" Sabi ko sa mataas na boses.

"Seryoso ako sa sinabi ko, Debs. Kung nasaan kayo ng anak ko, andun ako."

I laughed in his face.

"Grabe nakakatawa ka. Para kang sirang plaka, ganyan din ang linyahan mo sa Italy. Wala bang bagong script?"

He looked so intensely serious.

"Hindi na ako papayag na ilayo mo si Errie sakin. I am his father, may karapatan ako sa anak ko. Hindi siya pwedeng lumaki ng walang Ama."

Mataman ko siyang tinignan at kinuyom ko ang palad ko para pigilan ang sarili ko sa emosyong baka hindi ko na makontrol. Then I asked him the question I've been scared to ask him directly.

"Makakaya mo bang iwan si Isla at ang anak niyo? If you want Averrie to have a father, pipiliin mo siya nang walang kahati."

He looked so torn, undecided.

Then I smiled bitterly.

"Kung ako lang ang makikihati, okay lang. Pero kung para sa anak ko? Hinding-hindi ako papayag. Ayaw kong kamuhian ako ng anak ko at lumaki siya iniisip na ayos lang makihati, okay lang maging second choice, or worst an option. My daughter deserves your 100%, Archon. Kaya kung hindi mo yun maibibigay, mas gugustuhin kong lumaki siyang walang Ama. Ayaw kong lumaki siyang tinatanong ang sarili kung anong kulang or kung may kulang ba sa kanya."

No emotions crosses in his eyes.

"I won't let you break our daughter the same way you did to me."

Archon doesn't have a chance to reply to me because Errie and Tess is walking hand in hand to our direction.

"Nay-Nay!" Masayang tawag sakin ni Errie at tumakbo siya papunta sakin at nagpakargo.

"Bigat na ng baby ni Nanay."

Just a Little Bit of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon