Chapter 10 - Unsaid Fears

2.3K 43 14
                                    

Noong gabi na yun ay hinatid ako ni Jacques at Fleur sa tapat ng apartment building ko. I tried to convince them that I can walk alone dahil marami namang tao sa sidewalk dahil maaga pa naman pero hindi nagpatinag ang dalawa at hinatid parin ako.

At nabanatan pa ako ng not-so-gentle giant.

"Bakit matitigas na ang ulo ng mga matatanda?"

Ayun before the night end yesterday, may isang kotong na natanggap na si Jacques mula sakin.

Same routine ang stalker ko, lagi akong sinusundan kapag umuuwi at umaalis na din kapag nakapasok na ako sa apartment building o kaya sa B & S shop.

Ilang buwan ko na siyang stalker, isang buwan na kami sa Italy when I saw him, lagi lang nasa shadow ko pero hindi lumalapit sakin, nakatanaw lang mula sa malayo.

A week after I saw him, araw-araw na siyang nagpapadala ng chocolates at flowers, minsan pa mga foods na crinicave ko. Despite of me wanting to eat those foods, tinatapon ko lang sa basurahan at mag-oorder ako ng food para samin ni Fleur at Jacques. Alam kong nakikita ng stalker ko ang ginagawa ko, all the things he sent for me goes to the trash bin.

At kahit araw-araw ganun ang gawin ko sa mga pinadala niya, he didn't stop sending till now. Lagi ko siyang nakikita kahit saan ako magpunta, laging nagbabantay at nakatanaw mula sa malayo.

Kaya ngayong araw napatingin ako sa labas ng shop, nagtataka ako nang hindi ko nakita ang pamilyar niyang itim na kotse.

Naabutan ako ni Fleur na nakatingin sa labas mula sa glass wall namin.

"Hinahanap mo si Mr. Stalker, ate Debs? Himala nuh, ngayon araw lang siya wala."

Hindi na ako umimik at pumasok nalang sa kitchen para tignan ang binabake kong banana bread.

It's one of the day na matumal ang dating customer, ganun naman talaga sa business, may araw talaga na mahina.

Tumunog na ang oven, tanda na natapos na yung timer na sinend ko, sinuot ko yung pot holder at binuksan na ang oven.

Pumasok naman si Jacques na hawak ang cellphone niya at nanonood ng some business show.

"Ahy. Yung ultimate crush ko ikakasal na. Badtrip naman. Di hamak na mas gwapo naman ako dun." Malungkot na sabi ni Jacques.

"Sino dun? Marami yun e. At saka, baka matalino yung lalaki which is wala sayo." Direktang sabi ni Fleur na ikinalukot ng mukha ni Jacques.

"Basta hindi ikaw." Balik ni Jacques.

Napapailing ako nang kunin ko na yung banana cake sa oven but I was frozen when I heard the news on Jacques' phone.

'Beautiful, Elegant and Young Model, Isla Riego will tie knot to her long term boyfriend, business tycoon, Archon Marasigan next month. They were childhood sweetheart and shares a lot of history together. According to some trusted source, the wedding was postponed due to some family problems but I guess everything is good now because we're hearing wedding bells soon.'

'Wow! Congrats Isla and Archon. They will be one of power couple here in Philippines and abroad.' Sabi pa ng isang E-caster.

Mixed emotions.

Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko kahit na anong pagpisil ko dito.

"Ate Debbie, okay ka lang ba? Bigla kang namumutla?" Nag-aalalang tanong ni Fleur.

Pinilit kong ngumiti at tumalikod din agad para kumuha ng tubig at uminom. I breathe in and out to calm myself.

Agad akong tinabihan ni Fleur at hinagod ang likod ko, tumingin ako sa kanya pagkaraan.

Just a Little Bit of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon