Chapter 12 - Lego & Barbie

2.2K 50 7
                                    

I am crying in happiness when my baby's gender has been revealed. Hindi ko maipaliwanag yung saya, it's overflowing, ano nalang kapag nahawakan ko na si Little Peanut. Pero may konting kirot nang naisip ko ang isang tanong. Hindi ba ganito kasaya ang biological parents ko noong nalaman nila na existing na ako o kaya noong pinanganak ako kaya nakaya nila akong ipa-adopt, ipamigay?

Isa lang nasisigurado ko, I'll keep my baby by my side kahit sobrang hirap ang kahaharapin ko, my Little Peanut will be my main priority now.

"Congrats, Ate! I bet kamukha ko si baby paglabas niya." Tutuwang-tuwa na sabi ni Kaori sabay yakap satin.

Inirapan ko siya.

"Ang unfair naman nun. Ako dapat kamukha ni Baby Peanut." Ang sabi ko.

I was flooded with greetings and each of them hugged me. When it's Tito Archon turned, he embraced me tighter.

"Hayaan mong ako ang magsorry sa kagaguhan ng anak ko, Debbie. Okay na sana kung kagwapuhan ko lang ang minana pati pa yung kagaguhan ko." Tito Aziel said and gave me a comforting smile. "Hindi ka namin pababayaan lalo na ang apo namin. Para ka nang anak namin kaya huwag kang mahihiya na humingi ng tulong samin. Nandito lang kami lagi susuporta sa inyo ni Little Peanut. We could take care of Peanut kapag ginusto mong bumalik sa pag-aaral. Hindi naman hadlang ang pagkakaroon ng anak para tuparin mo ang pangarap mo, ang kaibahan lang, nadagdagan ang purpose at motivation mo. Kung dati ginagawa mo ang goal mo para sa sarili mo, ngayon para na sa inyo ng magiging anak mo."

Niyakap ko si Tito Aziel habang umiiyak. It's not a sad cry naman, natouch lang talaga ako. Sobrang swerte ko dahil ang super solid ng support system ko, hindi ko alam kung paano ko malalampasan ang nakaraang buwan kung wala sila.

"Thank you, Tito. Sorry... Sorry din."

"Shhh... It's okay now."

Pagkatapos ng madramang tagpo ay bumalik na kami sa party mode. Syempre meron ding videoke at nag-aagawan si Kaori at Fleur sa mic. I smell love triangle in the air. Napailing nalang ako. Sa love triangle kase, may isang sobrang masasaktan.

I went to restroom to pee and to retouch a little. Ewan ko ba, sobrang init ng katawan ko these past days, dala siguro ng pagbubuntis.

Noong bumalik na ako sa sala ay nagulat ako nang wala na akong nadatnan na tao.

Napailing nalang ako.

"Nasaan kaya ang mga yun? Mangpraprank na naman ata."

I picked up my phone and tried to call Mama Mondi pero out of coverage lang. Sinubukan ko din tawagan si Kai at Fluer, ganun din. Pagkaraan ay huminto na ako at nagligpit nalang ako ng mga empty plates at nilagay sa dishwasher.  Pagkatapos kong ilagay ang mga plato at baso sa dishwasher ay bigla akong nagcrave ng watermelon with nutella.

I opened the fridge and found a half watermelon, grabe natatakam ako habang hinihiwa ko into smaller pieces then I grabbed a unopen nutella. Medyo overweight ako these past months hindi lang dahil buntis ako kung hindi dahil sobrang hilig ko sa sweets at tamad na tamad akong magwalking. Kaya last check up, the Doctor noted na kailangan ko ng small exercises kahit walking lang daw para hindi ako mahirapan sa panganganak.

Nagtwitwinkle ang mga mata ko habang tinitignan ang plating ko. I picked a small squared-size watermelon and dipped it to nutella. I was about to bite when the doorbell stopped me from taking a bite.

Hindi ko sana papansinin pero sunod-sunod ang doorbell. Nakasimangot kong binitiwan ang watermelon with nutella ko. Sobrang sama ng loob ko sa taong nagdodoorbell. Panigurado hindi si Mama Mondi yun dahil alam nila ang password ng apartment.

Just a Little Bit of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon