Chapter 7 - Confession & Confrontation

2.5K 51 39
                                    

Doktora Jimenez gave us the clearance to travel yesterday. Masaya ako kase para itong bagong simula sakin. Malungkot dahil maiiwan ko ang nga mahal ko sa buhay. Pero noong malaman ni Mama Mondi at Papa Ahmed na buntis ako, naging tutol na sila na mag-isa ako sa Italy. Delikado at mahirap daw magbuntis mag-isa. Nakita kase ni Mama Mondi kung paano nahirapan dati si Mama Keena.


"Pa... ready na po ang lahat. My flight is next week. Please payagan niyo na po ako." Sabi ko isang araw bago ang flight ko sa dinner namin.

"Debborah, buntis ka tapos mas gugustuhin mong mag-isa sa ibang bansa? Paano kung may mangyari sa inyo ng apo ko? Sino ang tatawagan mo? Sino ang matatakbuhan mo doon?"

Naiintindihan ko ang punto ni Papa but I needed to leave. Kailangan kong lumayo para samin ni Isla at Archon.

"Pa... I need this..."

"Umamin ka nga samin ng Papa mo, Debbie. Ramdam na ramdam kong may tinatakasan ka." Seryosong sabi ni Mama. "Give us a valid reason why you need to go abroad. Kung tutuusin pwede mo namang ipagliban ang pag-aaral mo, continue it after you give birth."

Napayuko ako.

Maybe it's time to confess everything. Alam kong papayagan lang nila akong umalis kapag nalaman nila ang dahilan ko.

"Pa... Ma... I have something to confess..." Sabi ko na hindi makatingin.

"BuntisakosiArchonangAma." Mabilis kong sabi.

"Dahan-dahan, Debborah. Ulitin mo."

"Si Archon po ang tatay ng anak ko." Mahinang sabi ko.

Parehas nanlaki ang mata ng dalawa.

"How?" Hindi parin makapaniwalang tanong ni Mama.

"Mama, remember when I asked you and Papa to let me live alone. We've been living together na po months after Isla broke up with him last year. Natapos lang kami nang bumalik si Isla." Pinilit kong ngumiti.

"Aba! Gago pala yang inaanak mo, Mondi! Kailangan niyang panagutan ang anak natin!" Galit na galit na sabi ni Papa.

Akmang tatayo siya ay pinigilan ko si Papa, sobrang namumula siya sa galit while Mama is still speechless.

Umiling ako kay Papa.

"Pa... sorry.. sorry.. huwag na po natin silang guluhin. Kasalanan ko naman po."

"Bullshit! Ginawa niyong dalawa ang bata, kaya dapat dalawa kayo ang may responsibilidad."

"Papa... ayaw ko po." Paulit-ulit akong umiling. "Magiging miserable lang kami ng anak ko kapag kami ang pinili ni Archon. Please 'Pa, hayaan na natin sila. Aalis na ako, ayaw kong makagulo sa kanila."

Umiling sakin at tumayo na't umalis.

Papa looked so disappointed and it's breaking my heart. I slowly looked at Mama Mondi despite of my tears. Sinuklian niya lang ako nang malungkot na ngiti.

"I am sorry, Ma. Napakawalang kwenta kong anak, nagawa kong maglihim at magsinungaling sa inyo."

"I will be lying kung sasabihin ko na ayos lang because it is not, Debbie. Kami ang mga magulang mo, nasasaktan kana pero hindi namin alam ng Papa mo. Sa likod ng mga ngiti mo, Anak, umiiyak kana pala. Kami dapat ang una mong takbuhan, Anak."

Just a Little Bit of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon