Chapter 21 - Truth

2.8K 67 54
                                    

Alam mo kung ano ang isang mahirap sa pagiging single Mom? You only have a short time to compose yourself when it's too hard, when there's too much pressure and emotions because your child shouldn't see you crying and mopping around. Kailangan mong maging malakas para sa anak mo at yan nga ang ginawa ko.

Pagkatapos kong magpahangin at mag-isip nang mag-isa, I went back to Errie and show her my big smile that she reciprocated by sweet and innocent smile. Gagawin ko ang lahat para mapanatili ko ang ngiti ni Errie.

Isang oras pa ang lumipas at si Errie ay humihikab na kaya nagdesisyon nadin akong umuwi. I needed a rest, emotionally and physically. Errie wrapped her arms on my neck and put her head on the side on my neck.

"Aling Marina, Celle, mauna na ako. Inaantok na kase si Errie." Nang akmang tatayo si Tess para sumunod samin ay pinigilan ko siya. "Okay lang, Tess. You enjoy here, minsan lang ito. Ako na ang bahala."

"Pero hindi pa nagdidinner si Errie, ate Debs."

"Busog na ata 'to sa fries at shake na kinain kanina. Don't worry, gagawa nalang ako ng egg sandwich para may kakainin siya pagkagising."

"Sigurado ka, ate?"

"Oo, Tess. Dumito ka lang at mag-enjoy." I'll ask Errie sana para magpaalam sa kanila pero mabilis itong nakatulog sa balikat ko. Antok at pagod sa kakulitan buong araw. Nagpaalam na ako at naglakad na patungo sa bahay, malapit lang naman.

Hindi pa ako nakakalayo ay may humarang na sakin.

"Let me help you."

I walked past him.

"Debbie, please let me help you. Let me hold her."

I did not waver and continue walking.

"Debbie, please...."

I stopped on my tracks.

"I don't need your help. Kaya kong buhatin ang anak ko."

"Anak natin." Madiin niyang sabi.

"You lose your rights as Errie's father when you left us, when you chose them over us." I said on a low and hard voice.

Despite of me saying it in very low voice, nagising si Errie na hindi pa malalim ang tulog.

"Nay-Nay... away mo si Manong Shwek?" Errie said in small and sad voice, na naluluha pa.

"No, Nanay is not fighting Manong Shrek."

"Manong Shwek, carry me?" Itinaas ni Errie ang mga braso kay Archon, naghihintay na kargahin siya.

I don't want Archon to hold Errie but I have no choice, my baby wants Manong Shrek, my baby wants her father to carry her.

Nagsusumamong tinignan ako ni Archon, nanghihingi ng permiso para buhatin ang anak niya.

"May I please?"

Tumango nalang ako kahit na labag sa loob ko.

Kinuha niya si Errie mula sakin then he kissed Errie's hair and forehead. Then he whispered 'sorry', paulit-ulit.

"Why sowwy, Manong Shwek?"

Just a Little Bit of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon