Lumaki ako sa isang kumpleto at masayang pamilya, araw-araw kong nakikita kung gaano kamahal ng magulang ko ang isa't-isa. Pero kahit ganun, alam namin ang buong kwento ng magulang namin, bago sila dumating sa puntong mahal na mahal nila ang isa't-isa at halos hindi maghiwalay, madami silang pinagdaanan, nagkasakitan at nagtaguan pa ng anak. Tsk! Kaya sabi ko sa sarili ko, sa isang babae lang ako iibig sa buong buhay ko, kapag nakita ko na siya, aalagaan at hinding-hindi ko siya sasaktan. Ayaw kong maulit ang pagkakamali ni papa, madali lang naman yun iwasan. Magmahal ka lang ng isang babae.
Pero akala ko ganun lang kadali yun, hindi pala.
Love is not a straight line.
"Archon, my honeybunch, my loveydovey!" Sigaw ng batang babae, sobrang tinis ng boses, nakakairita.
Alam kong dalaga na si Debbie pero hindi maalis sa isip ko ang batang babae na maingay na sobrang kinaiinisan ko.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Archon! Pansinin mo naman ako! Valentine's day kaya. Araw ng mga puso pero heartless mo padin sakin."
I can picture her mouth pouting.
I rolled my eyes.
Ang arte-arteng bata.
Mas binilisan ko ang lakad ko kaya tumakbo siya para makahabol sakin. Wala akong choice kundi huminto dahil humarang siya sa harap ko. Hingal na hingal siya nakatukod ang mga kamay sa tuhod.
Kumunot ang noo ko nang iabot niya sakin ang isang heart na box na kulay pula, meron din itong ruffles sa gilid
"Peanut butter brownies yan. Made with full of love yan ha." Nakangiti niyang sabi sakin habang nakalahad sa tapat ng mukha ko.
"I'm allergic with peanut." Masungit na sabi ko kahit na hindi totoo, gusto ko lang siyang itaboy, gusto ko siyang huminto.
Agad na lumungkot ang mata niya.
"Pero sabi ni Arch ito ang paborito mo 'to." Sabay kamot sa ulo niya. "Bakit kase linggo linggo nag-iiba paborito mo?"
"Pakialam mo. Umalis ka nga jan sa harap ko, naiirita ako sa mukha mo."
"Eh. anong gusto mo? Strawberry? Caramel? Triple choco? Dali, ibabake kita nang kahit ano."
"Debbie, wala akong gusto lalo na kung galing sayo."
Natigilan siya kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"Balang araw mawawala din yang Debbie's allergy mo, Archon Blaine! Maadik ka din sakin."
"Dream on, annoying brat."
Araw-araw nasa bahay namin si Debbie dahil magkapitbahay lang kami. Lagi niya akong binibigyan ng kung ano-ano, love letters, brownies, cookies. Sa kagustuhan kong tumigil siya, tinatapon ko sa basurahan sa harap niya pero lagi nalang nanjan si Archer to her rescue. Katulad nang isang araw na tinapon ko yung bigay niya sakin without knowing what's inside the box.
"Your trash is someone else's treasure." Archer said while picking it up from the trashcan. "Huwag mo na ngang bigyan yan, Debs."
Nakita ko si Archon sa loob ng kuwarto niya na linalantakan ang pagkain na bigay ni Debbie. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin at bigla ko iyong hinablot mula kay Archer.
"Hoy! Akin yan!"
"Sino ba ang binigyan?"
"Sino ba ang nagtapon?"
"Akin 'to."
"Hoy, Archon Blaine! Tinapon mo na yan tapos ngayong kinakain ko, kukunin mo."
Niyakap ko si Archer mula sa likod, nasa tiyan ang isa kong braso at yung isa naman ay nasa leeg niya.
BINABASA MO ANG
Just a Little Bit of Your Heart
RomanceArchon and Debs' Story ------ Bata palang gusto ko na siya. At ginawa ko ang lahat para mahalin niya ako. But I will always be the least pagdating sa kanya.