Chapter 22 - Better Person

2.8K 55 17
                                    

Hindi ko na napigilan ang luha ko pagkasarado ko ng pinto. Galit na galit ako kay Isla dahil sa ginawa niya, she deliberately ruined what we're starting to build almost 2 years ago. Oo, naintindihan ko na nasaktan siya may mga batang nadamay at sobrang naging unfair yun sa anak ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung kanino ako mas galit, kay Archon ba o kay Isla.

Hindi ko man alam kung kailan at kung paano nalaman ni Archon na hindi niya anak ang anak ni Isla pero kahit kailan hindi niya na mababago o mababalik ang panahon na sinayang niya na sana kasama niya ang anak niya, na sana buo ang pamilya namin. He could tried to reach out to us, he could pay a good investigator to find us. Hindi naman ako mahirap hanapin sadyang ayaw niya lang kaming hanapin. Sobrang sama ng loob ko dahil yun na naman, it takes to push him to his limit, yung tipong walang na siyang choice kung hindi ang hanapin nalang kami. Bakit umabot pa sa halos isang taon o sa pagkakataon na nalaman niyang hindi niya anak ang bata para hanapin at kamustahin niya kami ng anak niya.

Naisip niya din ba kami? Kung maayos ba ang lagay namin kase sa totoo lang, I feel like he's happy that we're not in his life. Talagang hindi kami importante kay Archon.

At sobrang nasasaktan ako para kay Errie. Paano ko proprotektahan ang anak ko sa sakit na pwedeng idulot ng tatay niya?

Umakyat ako sa nursery room at doon umiyak. It was empty dahil nasa kuwarto ko si Errie natutulog.

Pilit kong pinapatahan ang sarili ko dahil anumang oras ngayon ay gigising na si Errie pero patuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Kailan ba matatapos ang sakit? Parang wala na 'tong katapusan. Simula nang mahalin ko si Archon, wala nang tamang nangyari sakin maliban nalang kay Errie.

Pinapalo ko ang kanang dibdib ko na sa pamamagitan nito mabawasan lang man ang sakit.

"Ate Debs! Ate Debs!" Tawag ni Tess na may taranta at pagmamadali ang tono.

Pinunasan ko agad ang luha ko, tumayo at lumabas na ako ng nursery room. Pagkalabas ko ay agad kong nakita si Tess na paakyat galing sa baba at namumula ang mata.

"Ate, si Errie...."

Ang lakas ng kaba ng dibdib ko at tinungo ko agad ang kuwarto naming mag-ina. Tinignan ko si Errie at sinapo ang ulo at leeg, sobrang taas ng lagnat, nagchichill pa ito.

Nataranta ako.

"Nay... Nay..." Bati sakin ni Errie sa maliit na boses at pilit na ngumiti sakin pero sobrang hina at putla niya.

"Ate... pagkapasok ko sa kuwarto, pagkahawak ko kay Errie, inaapoy na siya ng lagnat."

"Tawagin mo si kuya Drako mo at ihanda ang tricycle. Pupunta tayo sa clinic."

Kahit na nanginginig ang buong katawan ko ay pinilit kong tumayo at kinuha ko ang emergency bag namin ni Errie, kinuha ang isang bimbo at binasa ito.

I fucking hate it pag nagkakasakit si Errie, para akong binabalik dun sa oras na ako lang mag-isa, hopeless and desperate. Walang pamilya at delikado ang lagay ng anak ko.

Kinarga ko si Errie at nilagay ang ulo niya sa kaliwang balikat ko at nilagay ko naman ang bag sa kaliwa ko at lumabas na kami ng bahay.

I thought Archon already left kaya nagulat ako nang makita ko siya paglabas ko, Isla si nowhere to find. Nag-aalala akong sinalubong so Archon.

"Anong nangyari?" Tanong ni Archon.

"Umalis ka sa daraanan ko." Sabi ko sa garalgal na boses.

I tried hard to be strong woman pero pagdating sa anak ko, mahina at takot ako. And right now, puno nang takot ang puso ko.

"Akin na si Errie. Ako na ang kakarga sa kanya." Kinuha niya sakin si Errie at hindi na ako tumutol, nanlalata at nanginginig na din kase ang tuhod ko.

Sakto naman na pinarada ni Drako ang tricycle sa harap namin at agad na pumasok si Archon at sumunod ako.

Just a Little Bit of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon