Naramdaman ko na ito pero pilit kong tinataboy sa utak ko ang ideya na 'to. Hindi kase pwede, mas magiging kumplikado ang lahat.
But deep inside, I am very happy. I am excited.
Kahit na walang kasiguraduhan ang bukas, kahit pa magalit ang lahat, handa akong harapin ang mga ito.
Isang linggo pagkatapos ng mixed emotions solo rider ko sa Enchanted Kingdom kinailangan ko ng harapin ang isang bagay na pilit kong tinataboy.
I can't ignore all the signs. Yung pagiging moody ko, hirap ko sa mga kakaibang pagkain, pagsusuka tuwing umaga at pangangasim ng sikmura lage. Pati yung pagsikip ng mga pants ko. Grabe yung craving ko, noong isang araw itlog na maalat, kahapon gummy bears na may bagoong alamang.
Kaya hindi na ako nagulat noong nakita ko ang resulta ng limang pregnancy tests sa harap ko.
Halong-halo emosyon.
Kaba.
Takot.
Saya.
Lungkot.
Pero mas mangingibabaw ang kasiyahan. Alam kong hindi biro ang pagiging magulang lalo na't alam kong magiging single mother ako.
Maraming tanong ang nagsusumiksik sa isip ko pero hindi ko ito pwedeng pagtuonan ng pansin. Saka ko na proproblemahin ang pagsasabi kila Mama at Papa. Hindi rin ako sigurado kung sasabihin ko kay Archon ito.
"Are you a baby girl or baby boy, anak?" Masuyo kong sabi habang hinahaplos ang tiyan.
Medyo kinabahan lang ako dahil kung tama ang kalkula ko, I am now almost 4 months pero maliit ang tiyan ko para sa buwan niya.
"Please be okay, baby ha. We'll explore the world together. Me and you, magkasama tayo lagi. At nandiyan naman si Lola Mondi at Lolo Ahmed." I giggled. "Promise, anak. Magsusumikap si Nanay na ibigay ang lahat sayo, magandang kinabukasan. Hindi ko hahayaan na maramdaman mong may kulang kase wala kang tatay."
After nang nangyari sa engagement party ay mas lalong kong minadali ang pag-alis ko. Pagkatapos ng check up ngayong araw ay malalaman ko if healthy si Baby, if allowed ba akong magtravel. I really hope so.
Alam ni Archon na ito ang unang araw ng check up ko, nagpupumilit siyang sumama pero I blackmail him na sasabihin kay Isla ang totoo kapag nagpumilit siya. Wala naman talaga akong intensiyon na gawin yun. I just had to scare him para tigilan ang pangungulit. At paano ko eexplain kay Mama Mondi kung bakit siya sasama? Alam nilang lahat na may "Debbie's Allergy" siya, makakahalata sila, hindi naman tanga ang mga magulang ko.
Maaga pa kami aalis ni Mama pero nagulat ako nang maaga pa nasa bahay na si Mama Keena. Sabay kaming nag-almusal at umalis na.
Dra. Jimenez allowed my Mama Keena and Mama Mondi to be with me. They did the ultrasound first.
When I first heard the heartbeat, may kakaibang saya na bumalot sakin. Ito ang batang proprotekahan ko, ang batang mamahalin ako at mamahalin ko habang buhay. Ito ang nag-iisang magandang bunga ng pagpapakatanga ko kay Archon.
I saw Mama Mondi and Mama Keena crying too.
"Good. Besh, may apo na tayo. Pinatanda mo ako baby." Kausap ni Mama Mondi sa ultrasound monitor. "Kaya please lumabas kang maganda o gwapo."
Napasimangot ako.
"Syempre, maganda o kaya gwapo ang anak ko, 'Ma. Maganda kaya ang anak mo."
"Di mo sure, malay mo mala-Shrek pala ang tatay. Akala mo lang gwapo kase nakainom ka."
BINABASA MO ANG
Just a Little Bit of Your Heart
RomanceArchon and Debs' Story ------ Bata palang gusto ko na siya. At ginawa ko ang lahat para mahalin niya ako. But I will always be the least pagdating sa kanya.