I was woken from the little ray of sunlight from my window. Tumitig lang ako sa puting kisame, contemplating kung paano ko pakikisamahan si Archon at kung paano ko siya kukumbinsihin na umuwi na kami kay Errie.
I missed my little girl.
Alam kong nasa kusina si Archon dahil amoy ko sa kwuarto ang mabango niyang niluluto. Napabuntonghinga nalang ako at bumangon, nakita ko ang tatlong rose sa bedside table, katabi nito ang isang note.
'From the moment you became my wife, I promise to choose you everyday, for the rest of our life. No one else above or before you.'
Umaga palang pero pinatirik niya na ang mata ko sa kakornihan niya. I rolled my eyes on his silliness. Too bad, it's too late now. Hindi na mabubura lahat ng sakit na naranasan ko sa kanya.
Tinapon ko ang rosas at sulat sa basurahan, at tumungo ako sa glass door na nakaharap ito sa bughaw na dagat. Malamig na simoy ng hangin ang tumama sa mukha ko, naging dahilan ito para kumalma ako. Naglakad akong nakapaa sa dalampasigan, hindi ko alam kung anong meron sa dagat pero kapag tumatama sa paa ko ang malamig na tubig at nakaapak ako sa puting buhangin, tuwing hinahangin ang buhok ko, at amoy ko tubig alat, talagang gumagaan ang loob ko. Sabi nga nila nature is the best place to heal our soul.
"Ouch!!" Bigla kong sabi nang may maapakan ako matulis na bato at nagdugo ito. Napakagat labi ako sa hapdi.
"Shit!" Napaupo ako sa buhanginan habang hawak ang paa ko. Basa na ang pang-upo ko.
Tinanaw ko yung nilakaran ko mula sa bahay na tinutuluyan namin ni Archon at doon ko lang narealize na malayo na pala ang nilakad ko.
"Debborah!!!" Narinig kong sigaw ni Archon mula sa malayo.
I wanted to save my face. I wanted my pride intact. I don't want him finding me. I don't want to see his face.
I wanted to run away but my wound is hindering me. Ang hapdi sobra! Mukhang napasukan ito ng mga pinong buhangin.
"Debborah!" sigaw ulit ni Archon. Ramdam mo ang pag-aalala sa boses niya.
Lumingon ako sa pinanggaling ng boses at natanaw ko si Archon.
Pawis na pawis siya. He looked so worried and anxious. He looked so panicky.
When he spotted me, he walked fastly to my direction and I was just frozen.
I saw how his expression change in swift moment.
First is sense of relief at tila panandaliaan nairita. At nang makita niya kung saan nakahawak ang kamay ko, he looked so worried at agad akong nilapitan. Agad niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa sugat ko sa paa at chineck niya ito. Napakagat ako sa labi nang hinawakan niya ang paa ko para tignan at walang sabi-sabi na kinarga niya ako nang bridal style. Wala na akong pagkakataon na umangal kaya isinabit ko nalang ang mga kamay ko sa leeg niya.
Wala siyang imik pero nakasalubong ang kilay niya habang mabilis na naglakad pabalik sa bahay na tinutuluyan namin.
Derecho siyang pumasok sa kwuarto ko at kumuha ng damit sa maleta ko.
"What do you think you're doing?!"
"Kailangan mong magbihis muna."
"Get out." Matigas kong sabi.
Nagtitigan kami, walang gustong magpatalo pero sa huli nagpaubaya siya. I heard him sighed deeply.
"Fine. You change your clothes. I'll give you 5 minutes or else I will be the one changing it for you." Sabi niya bago niya ako iniwan.
Agad naman akong nagbihis at saktong 5 minutes, I heard him knock. Napairap nalang ako nang pumasok siya na may dalang first aid kit.
Inakay niya ako paupo sa pinakadulong bahagi ng kama.
BINABASA MO ANG
Just a Little Bit of Your Heart
Roman d'amourArchon and Debs' Story ------ Bata palang gusto ko na siya. At ginawa ko ang lahat para mahalin niya ako. But I will always be the least pagdating sa kanya.