KAYE’S POV
“STEVE! FOCUS!” todo sigaw ng coach nila. Natatakot naman ako! Ang lapit ko kaya sa kanila, nasa taas ako ng bench nila kasi sabi ni Alex dun daw ako.
Tama nga si Steph, nakakatakot yung coach nila.
Si Steve kasi pinapainit ulo ni coach! Waaah! Steph nasan ka na bang babae ka?!
FLASHBACK
Maaga akong nakatulog at kagigisng ko lang, late pa! -_-
Hinatid ako kahapon ni Alex, hindi na niya nasimulan yung practice nila dahil binantayan ako sa infirmary at hinatid pa ako sa bahay.
Pag uwi ko kahapon wala si Steph, sa bagay mga 6 pa lang naman nasa bahay na ako.
Pagka dating na pag kadating nakatulog na ako. Epekto yata ng painkiller na pinainom sakin ung nurse.
9 am na akong nagising, meaning… late! -_-
Bumaba ako to check Step and gutom na din ako. Nandito naman yung bruhang yun.
Pag ka babang pag ka baba ko sumalubong sakin yung yaya naming dito sa bahay.
“Good morning Kyla Yelix.”
Si manang talaga. -_-
“Manang, Kaye na lang po. Feeling ko kasi foreigner ako sa pangalan ko pag ganun.” Sabi ko at umupo na, tumawa na lang si Yaya.
“Kumain ka na, nag ready na ako ng breakfast mo.”
Bago pa makaalis si manang sa harap ko nag salita ako.
“Manang, si Steph po?”
“Ah si Ma’am Stephanie? Nauna na po umalis.”
Uso talaga kay manang buong pangalan, pansin niyo?
“Anong oras po?” tanong ko ulit at uminom ng hot choco.
“Mga 7 am ho.”
O___O
“Ho?! 7 am?!” gulat kong tanong buti nalulon ko na agad yung inumin ko kundi… yak ambaboy ko!
“Opo.”
“Anong oras ho umuwi?”
“8 pm po.”
BINABASA MO ANG
Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]
Teen Fiction"Lahat gagawin ko makuha ko lang ang gusto ko." - Steph "Lahat gagawin ko, maiwasan ko lang ang stalker ko." - Steve