POV ni Author
Maagang nagising si Steph, pero sa totoo lang naman talaga hindi siya nakatulog ng maayos, every 2 o 3 ours nagigising siya. at ngayong 6 am na, nag pasya siyang bumangon para ipag handa ng pag kain si Steve, besides amo niya pa din ito.
“Hay.” Napa buntong hininga na lang si Steph ng makita ang lahat ng niluto niya na nakatago lang sa ref. “Dadalhin na lang kita kay Kaye huh?” sabi niya sa Tupperware na hawak niya.
Walang lakas siyang nag handa ng almusal ni Steve at iniwan na lang sa mesa. Samantalang ang mga pagkain na niluto niya kagabi na nakalagay ngayon sa Tupperware at nilagay niya sa paper bag para ipasalubong kay Kaye.
Kahapon pa kasi ito nangungulit na makikikain sa kanila kaso inisip ni Steph na gusto niyang makasama sa birthday niya ang taong mahal niya, turns out na wala namang pakelam sa kanya.
After ayusin ang mga pagkain ay dumiretso na siya sa kwarto niya at nag madaling mag ready, dahil una sa lahat ayaw niyang maabutan siya ni Steve.
Hindi niya maintindihan pero masama ang loob niya sa binata. Sino bang hindi sasama ang loob?
After maligo at magbihis, napatingin na lang siya sa cellphone na binigay sa kanya ni Steve.
“Sorry pepun. Iwan na kita sa bumili sa’yo ah?” kausap niya sa cellphone niya.
Hindi na niya inoff at hindi na tinanggal ang sim. Kung baga yun na lang ang gagamitin niyang alarm clock ng amo niya.
Dahan dahang lumakad si Steph papasok sa kwarto ni Steve, yung tipong nag tip toe na para hindi maka gawa ng kung ano mang ingay.
Dahan dahan niyang nilapag yung phone na binigay ni Steve katabi ng phone ni Steve.
“Siya na lang po Sir ang gigising sa inyo. Babye.” Paalam ni Steph at hindi niya napigilan ay ninakawan niya ng halik ang binata. Sa cheeks lang naman pero dahil gumalaw ang binata ang nasakto ito sa lips.
Dahil sa taranta ni Steph ay agad niyang natakpan ang labi niya at nag madaling umalis ng kwarto.
Samantalang si Steve ay naalimpungatan at dahan dahang dinilat ang mata niya, nag babaka sakaling totoo yung naramdaman niya. Pero nung nakita niyang walang tao, umikot siya sa kabilang side at nag takip ng unan sa mukha.
Habang nasa byahe si Steph, hindi niya alam ang mararamdaman, una nahalikan niya si Steve at yun lagi ang pinapangarap niya. Pero iba yung nararamdaman niya. Hindi siya ganoong kinikilig tulad ng expect niya nung hindi pa sila naka tira sa iisang unit.
“Ma’am nandito na po tayo.” Sabi ng driver ng taxi na sinakyan niya. Sa lalim ng iniisip ay hindi niya namalayan na nasa harap na pala sila ng condo ni Kaye.
Nag pasalamat si Steph sa driver at minabuting umakyat na sa floor kung saan ang condo unit ni Kaye, gusto niya sana itong surpresahin.
BINABASA MO ANG
Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]
Fiksi Remaja"Lahat gagawin ko makuha ko lang ang gusto ko." - Steph "Lahat gagawin ko, maiwasan ko lang ang stalker ko." - Steve