STEPH’S POV
Nagising na lang ako ng may sumisipa ng upuan ko.
“Wakey…wakey!” sabi nung babae.
Tiningan ko siya. at itatanong ko sana kung sino siya pero may tali yung bibig ko! gumalaw ako at naramdaman kong nakatali sa likod yung kamay ko. samantalang yung paa ko sa paa ng silyang kinauupuan ko nakatali.
Napansin niya yata na natataranta ako kaya bigla siyang nagsalita.
“Ano… natatakot ka na? Try mong tumawag ng tulong. Baka sakaling may makarinig sa’yo.” Alok pa niya. Sino ba tong babaeng to!
“Hindi mo ako kilala? Hmm.. itago mo na lang ako sa pangalang… Mei.. Meiji… MeijiPanda Wattpad. FB name ko yan!” tsaka siya tumawa na akala mong bata na hyper.
Hindi naman siya nakakatakot. Mukha nga siyang hindi gagawa ng hindi maganda eh. Maamo naman yung mukha niya at pag tumawa siya, parang nakakahawa. Kaso kapag gumagalaw siya o pag sinusubukan kong tingnan yung mukha niya ng mabuti, lumalabo eh o kaya bumibigat agad yung mata ko. Kaya kahit pano nahihirapan akong aninagin yung mukha niya. Pero pakiramdam ko maganda talaga siya eh. >.<
Hindi ko alam pero natatawa ako… hahagikgik n asana ako kaso nag salita siya ulit.
“Hepepep! Wag kang tatawa!” asar na sabi niya tsaka huminga ng malalim.
“Hindi mo alam kung bakit ka nandito diba?” tanong niya. Ako naman si tango lang. “Kasi papatayin kita.”
Babawiin ko na yung sinabi ko! Natakot akong bigla sa kanya! T^T
“Natakot ka ba? Hmm.. masyado yata kitang nabigla… sige pahihirapan na lang kita hanggang machugi ka na.”
Yung anghel na sinasabi ko… naging kabaliktaran! Ewan ko! bigla akong natakot sa kanya!
“Bakit ko ginagawa to? Simple para wala ng kontra samin ni Steve.”
[AN nadala na po sa pagmamahal kay STEVE! HAHAHA CHAR]
Nanlaki naman agad yung mata ko sa narinig ko. So nandito ako dahil isa to sa nababaliw kay Steve!? =_= alam kong pogi ang boyfriend ko. hay!
“Sa totoo lang may anak na nga kami eh.” tsaka niya nilabas yung picture at tinapat sa mukha ko.
Isang batang lalaki na sobrang cute na naka pout pa! >.< tulad ng dati kapag tinititigan ko yung bata, lumalabo yung nakikita ko o kaya bumibigat yung pilik mata ko!
Pero sure ako gwapo yung bata!
“Kita mo? Natulala ka kay baby ko no!” parang bata niyang sabi na halos panggigilan na yung picture “Pero ngayon… papatayin na lang kita. Okay? Ayoko ng pahirapan ka. Sayang oras ko sa’yo eh.”
BINABASA MO ANG
Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]
Novela Juvenil"Lahat gagawin ko makuha ko lang ang gusto ko." - Steph "Lahat gagawin ko, maiwasan ko lang ang stalker ko." - Steve