ML 54 : New Steph

23.3K 274 47
                                    

STEPH’S POV

Alam niyo yung naaasar? Ako yun! pag dating ko sa condo tumawag si Kuya sakin at sinabing wala naman siya dun kaya ako na lang mag punta sa condo ni Steve!

Habang nag dadrive ako halos malukot na yung picture na hawak ko. Nakakainis kasi! mambababae lang papauli pa! pati tuloy ako napeperwisyo!

Hindi na ako kumatok sa condo niya dahil nung nakita pa lang nila akong pumasok sa building na yun nag bigay na sila ng susi sakin.

“Ano to?” tanong ko sa kanya habang hawak yung picture nila nung babae niya. Si Raj. Kakapasook ko pa lang ah? Eh sa naiinis kasi ako! Kahit alam kong walang pakelam sakin tong lalaking to naiinis pa din ako!

“Litrato, ano sa palagay mo?”

“Wag mo akong pilosopohin Steve. Alam kong litrato to! Ano ibig sabihin nito?” hindi ko na napigilan ang pag sigaw ko.

Nasasaktan ako? Oo! Kasi kahit kelan, ni hindi ko nasilayan yung ngiti niya tulad ng nasa litrato kapag kasama ko siya, ni hindi pa nga yata niya ako nginingitian na bukal sa puso niya.

“Isn’t it obvious? Don’t act as if you’re my wife.” Pabalibag niyang binitawan yung magazine na hawak niya at nilampasan ako.

“I am your wife!” sigaw ko sa kanya.

Humarap siya sakin ng may masamang tingin sa mga mata niya.

“Asawa kita sa papel! Kaya wala kang pakelam kung ano ang gusto kong gawin!” galit na sigaw niya sakin. Tsaka siya umalis sa harap ko at padabog na binalibag yung pintuan ng kwarto niya.

ARGH! Naiinis ako. Tama naman siya eh, asawa niya ako sa papel. Dahil for the very first place, tutol naman siya sa kasal na to, kahit mahal ko siya, at hanggang ngayon mahal ko pa din siya, hindi ko din ginusto ang ganitong kasal!

I tried my best to calm myself. Halos ibato ko na nga sa table yung mga pesteng litrato nila. Nakaka gulat lang, sa dami dami ng delivery dito sa condo ko, etong mga pictures pa!

*DingDong*

Isa pa tong nakikisabay sa init ng ulo ko. Tama ba naman kasing pindutin ng pindutin yung doorbell dito. Argh!

Tamad akong tumayo sa kinauupuan ko at dahan dahang papunta sa pinto ng lumabas si Steve sa kwarto niya.

“It’s your parents.” Cold voice. Cold stare.

Bago pa ako makapag salita pinupog nanaman ng pindot yung doorbell.

I inhaled deeply to compose myself. Kailangan kong maging cheerful lalo na sa arap ng parents ko.

Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon