STEPH’S POV
“Ma’am… tumawag po si Mrs. Inocencio. On the way na daw po sila.” Sabi ng secretary ko. Nandito kasi ako sa boutique, since nag mall kami, ayun si Stefan nag aya makipag bonding kay Ronald at kay… Steve. Tama kayo. Sumama kasi siya eh.
Hindi niya ba nahahalata na ayaw ko siyang kasama? -_-
“Sige. Thank you.”
Kung iisipin ang daming nangyari sa loob ng 3 taon no? Anjan yung kinasal si Kaye kay Alex, pumayag ako sa engagement naming ni Ronald… dumating si Jae at Stefan, at ngayon may bagong anghel naman na dadating sa buhay namin.
“GIRL!” blooming na sabi ni Kaye na ngayon ay hawak hawak ang kanyang tiyan mga 3-4 months nadin.
“Hellu!” salubong ko sa kanya at nag beso beso kami.
“Girl… ang taba ko na… wala nang kasyang damit sakin!” bigla niyang iyak. To think na ang ganda ng salubong niya sakin diba? Blooming at napaka energetic, tapos biglang iiyak.
O_____O
Tumingin ako kay Alex at siya naman nag nod lang, tila nabasa yung tanong na naglalaro sa utak ko.
Ganyan ka moody si Kaye?!
Napaisip tuloy ako at the same time gusto kong tumawa kaso baka masapok ako nitong si Kaye ng wala sa oras.
Naaalala ko tuloy nung nasa lugar niya ako.
FLASHBACK
“WAAAAAAAH!!!” pag mamaktol ko ngayon naka harap ako sa salamin. ANG TABA KO!! “WAAAAAAAAAH!! HUHUHU!”
“STEPH?! ANONG NANGYARI?!” sabi ni Ronald na ngayon ay hingal na hingal halos mag tumbling na papasok ng kwarto.
“ANG TABA KO NA!!!!! WAAAAAAH! HUHUHU!!”
Napa yuko naman si Ronald.
“Baby, kapag buntis, mataba talaga…” sweet na sabi niya.
O_____O “ANO?! DE MATABA NGA AKOOO!!! BUWISET KA! LAYAS!!” tulak ko sa kanya palayo sakin, pano nakayakap siya sa likod ko.
“HA?! May sinabi akong mataba ka?! SInabi ko kaya SEXY KA! Sa lahat ng buntis ikaw ang pinaka sexy! Pinaka maganda pa!” lambing niya sakin.
“ANG TABA TABA KO NA!! ANG PANGET KO PA!!!” Himutok ko. “Wala nang kakasyang damit sakin!” sabay turo sa mga tshirt na nasa kama ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]
Novela Juvenil"Lahat gagawin ko makuha ko lang ang gusto ko." - Steph "Lahat gagawin ko, maiwasan ko lang ang stalker ko." - Steve