STEPH’S POV
“Hi.” Napatingin ako sa babaeng bumati sakin. Nndito ako sa sala dahil hinihintay ko si Steve.
Akala ko ba nasa US na siya?
“Dito muna siya mag stay.” Sabi bigla ni Steve sa tabi niya.
Tumingin si Raj kay Steve.
“Bakit hindi mo sinabing kasama mo siya sa bahay?” malungkot na sabi ni Raj.
Tumingin lang si Steve sakin at hinila si Raj sa kwarto.
“Let’s talk.”
At nag pahila naman si Raj.
Nang makapasok sila sa kwarto. Hindi ko mapigilan na makinig sa usapan nila. Chismosa na kung chismosa, pero nacu-curious kasi ako!
“It’s not what you think baby…” rinig kong sabi ni Steve. Baby? Si Raj?
“Pero ex mo sya.” Sad na sabi ni Raj na halos pabulong na lang.
“Hindi naman talaga naging kami. It’s just a show. Hindi ko naman talaga gusto si Steph.” Halos mabato ako dito sa kina tatayuan ko.
“Eh bakit siya nandito?”
“Because she’s just my maid. Nothing more.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umalis na ako sa harap ng pintuan na yon. so eto lang talaga? Wala lang lahat ng yun? fine with me. hindi ko na lang ipipilit yung sarili ko sa kanya. Sa lahat ng nangyari.. katulong lang ako para sa kanya… at palabas lang pala ang lahat.
POV ni AUTHOR
Lumabas si Steve sa kwarto niya at nakita niyang nanunuod si Steph sa sala.
“Okay lang ba sa’yo na matulog sa sala?” tanong ni Steve kay Steph. Tumingin lang sa kanya ng cold si Steph.
“Pwede ba tayong mag usap sir?”
“Look. If this is all about saying sorry—"
“No.” Steph cut him off.
Umupo naman si Steve malayo kay Steph.
“Now talk. Mag papahinga pa ako.”
“I decided to leave.” Seryosong sabi ni Steph kaya agad napatingin sa kanya si Steve.
BINABASA MO ANG
Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]
Teen Fiction"Lahat gagawin ko makuha ko lang ang gusto ko." - Steph "Lahat gagawin ko, maiwasan ko lang ang stalker ko." - Steve