ML 62 : The Avengers

20.1K 244 32
                                    

STEPH’S POV

“Anong ginagawa natin dito?” I asked Ronald na ngayon ay nasa tabi ko.

Huminga lang siya ng malalim habang nakatingin sa sunset. Nasa beach din kami, since I need to relax, he decided na pumunta kami dito, para na din kay Baby.

“To relax.” Simpleng sagot niya tsaka ngumiti na parang niloloko ako.

“I know. Silly.” Irap ko sa kanya. “I mean, why do we need to go here? As in here. Nakasalampak pa tayo sa sand.”

“Hmmm wala lang. Masaya naman diba? Maganda ang view.” At pag tingin ko sa kanya sakin siya nakatingin.

O/////O

“HAHAHA! Iba talaga ang buntis no? Look at you, you’re blushing, at mas gumaganda ka.” He smiled at me sweetly. Pwede bang ipatapon sa malayo itong lalaking ito?! Kinikilig ako eh!

“Matagal na akong maganda no!”

“At mas lalo pang gumaganda.” Sabi niya habang hinahawakan yung kamay ko. Wala na akong nagawa kundi lumapit sa kanya at sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya.

“Hanggang kelan mo kaya akong pagtatyagaan?”

“Bakit? Mag sasawa ba ako sa’yo?” seryoso niyang tanong. Dahil sa kilig ko hinampas ko siya. “Aray ha. Grabe ka, kung alam ko lang na mang hahampas ka niready ko n asana katawan ko.”

I just chuckled. Iba ding mag tyaga sakin tong lalaking to eh.

“Kahit anjan na siya, at kapag napatunayan kang hindi ka niya sasaktan at iiwan, para sa’yo mag paparaya ako. Kahit masakit, kung yun naman ang ikakasaya mo. Gagawin ko yun para sa’yo… pero lagi mong tatandaan, hindi kita I gi-give up ng ganun ganun na lang. Kailangan ka niyang ipaglaban, at kailangan ko siyang labanan kahit alam kong simula pa lang… talo na ako.”

“Ronald…” bigla akong naiyak. Bakit kasi hindi na lang siya? siguro kung naging mabait kami sa isa’t-isa noon, kung siya lang ang binalingan ng oras ko, kung sa kanya ako patay na patay… kung siya na lang sana, siguro hindi ako mahihirapan at masasaktan ngayon, lalo na kung nasa harap ko ang isang lalaki na walang ibang inisip kundi ang kasiyahan ko, yung kaligtasan ko at kung ano ang mas ikakabuti ko.

“Ssh… iyakin talaga no? Kapag lumabas si baby nang salubong ang kilay at nakasimangot, naku wag mo akong sisisihin ha!” pag bibiro niya habang niyayakap ako.

“So ano nga pala ipapangalan natin kay Baby?” tanong niya habang nakasandal pa din ako sa chest niya. Kahit may pawis tong lalaking to, ang sarap pading yakapin ang bango pa! Requirement to eh, kapag lumalapit siya sakin dapat pinag pawisan na siya. HAHAHA! Ewan ko ba bangong bango ako sa bwisit na to.

Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon