ML 31 : BUKO. ^____^

23.6K 293 50
                                    

POV ni AUTHOR



“Sir. Mag re resign na po ako.”


Halos napahinto si Steve sa pag hinga ng marinig niya yung sinabi ni Steph.

“Resign?” bulong ulit ni Steve. “HA-HA-HA! You’re funny!” pilit na sabi ni Steve at sinubukan ulit kumain.

Pero si Steph? Seryoso lang siyang nakatingin kay Steve.

Tiningnan lang siya na parang hindi makapaniwala.

“Jinojoke mo naman ako eh.” biro ni Steve kay Steph.

“Mukha ba akong nag bibiro?” Hindi makapaniwalang tanong ni Steph.

Hindi na napigil ni Steve at tumayo siya sa kinauupuan niya at iniwan si Steph sa table.

“Sir! Seryoso ako!” Pahabol ni Steph.

“No.” isang sagot ni Steve.

“Pero sir…”


“Please wag muna.” Yun ang sinabi ni Steve tsaka humarap sa kanya. Hindi maka sagot si STeph hanggang sa unting unti na lumalapit si Steve sa kanya.

“Wag muna hanggat hindi pa ako nakaka hanap ng kapalit mo.”

Nagulat naman si Steph.

“So hindi niya ako pipigilan?” utak ni Steph.


Iniwan na siya sa kitchen ni Steve.

Tila malalim ang iniisip ni Steph ng bumalik si Steve sa kitchen.

Mas ikinagulat ng dalaga ng may malamig na bagay ang pumalupot sa leeg niya. Yumuko siya para tingnan kung ano yun at halos natulala siya sa kwintas na sinusuot sa kanya ni Steve.

Ng makatapos agad siyang humarap kay Steve na nakatingin lang sa kanya.

Ngumiti si Steve na tila nahihiya ito.

Hinwakan niya ang kwintas na sinuot sa kanya ni Steve.

“Infinity?” bulong ni Steph.

“Hmm. Sana ingatan mo yan.” Yun lang sinabi ni Steve.

Hindi naman alam ni Steph kung ano ang irereact niya. Bakit ba siya binibigyan ni Steve ng ganito?

“Don’t worry. I have mine.” Pinakita naman niya yung kwintas niya.

[Photo on the side.]

Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon