STEPH’S POV
Another empty morning. Empty stomach, empty heart… ano pa ba? Empty brain? Empty feeling? Kasi sa totoo lang, magkaka duktong yan eh. Feeling ko ang bobo bobo ko dahil sa nangyayari, namamanhid na ako ng sobra dahil sa nangyayari, dahil broken nga ako diba? Dahilan para hindi ako makakain na matino.
Diba? Connected?
“Tuwing nakikita kita, tulala ka lagi.” Agad akong tumingala at etong si Ronald sumalubong sakin.
“Uy. Ngayon na lang kita ulit nakita.” Somehow nalungkot ako. Kasi diba sabi niya nandito lang siya bilang friend. Pero thankful na ako dahil andito na siya kahit hindi ko sabihin yung dahilan kung bakit ko siya kailangan ng husto ngayon.
“Hindi mo naman ako napapansin kapag anjan siya eh.” bulong niya habang binubunot yung mga Bermuda grass habang nakatingin sa ibang direksyon.
“Alin yon?”
“Wala, sabi ko mukha kang gutom. Tara kain tayo?” aya niya sakin sabay ngiti. Hindi simpleng ngiti kundi ngiti na mahahawa ka.
“Ako pa dinahilan mo eh lagi ka naman kasing gutom.” Pang aasar ko.
“Wow ah. Kung may laging gutom dito. Ikaw yun! nahawa lang ako sa’yo!” pang aasar niya.
“Fine. Empty ako ngayon kaya kakain na ako.” After kong sabihin yung agad niya akong hinila.
Habang nag lalakad papuntang parking lot humarap siya sakin habang lumalakad, kaya ang itsura niya nakatalikod siya sakin habang lumalakad.
“So… ano gusto mo? Commute? Taxi? Ahm… kung gusto mo jeep?” agad ko naman siyang tiningnan.
“You hate taxi, inosente ka sa jeep.” Pag papaalala ko sa kanya.
“Kung yun ang gusto mo, walang problema.”
Ngumiti ako tsaka umiling.
“May ipapakilala ako sa’yo.”
Napatigil naman siya sa paglalakad tsaka tumingin sakin ng gulat.
“Sino?” O__O
“Lika.” Hinila ko na siya papunta sa kotse ko. nang makarating kami sa harap ng kotse… “Siya. I want you to meet my mute friend.”
Tiningnan niya lang ako tsaka pinilit ngumiti. “Ah! Hehe! Hello! I’m Ronald! And you are…” kaway niya sa kotse. Sabay silip sa gilid. “Santafe! Wow nice name!”
BINABASA MO ANG
Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]
Novela Juvenil"Lahat gagawin ko makuha ko lang ang gusto ko." - Steph "Lahat gagawin ko, maiwasan ko lang ang stalker ko." - Steve