ML 5 : THOR and his enemy.

28.5K 347 28
                                    

Totoo ba na pag nasimulan ang pag kainis ng umaga, tuloy tuloy na hanggang matapos yung araw? Nakaka asar kasi. Ewan ko mainit ulo ko ngayong araw na ito.

“Tara na palit na tayo ng P.E. uniform baka malate pa tayo sa P.E. natin.” Hila sakin ni Kaye. Hindi niya din ako masyadong kinukulit. Nahahalata yata yung itim na aura ko.

--

“Tapos ka na?” sigaw ni Kaye. Kabilis naman magbihis neto!

“Oo, teka palabas na.”


Bigla kong nabukas yung pintuan.

“AY! ANO BA YAN!” Sigaw nung babae.

“Ay! Sorry hindi ko sadya!” sabi ko dun sa babae. Well maganda siya, mukha lang masungit.

Ngumiti lang siya at nilampasan ako.

Pinatong ko muna yung uniform ko sa gilid ng lababo kasi itatali ko pa yung buhok ko, nang dumaan ulit yung babae na muntik ng mauntog sa pintuan at tumabi sakin. Nakaharap kami sa salamin ngayon eh, actually napatungan nga ng bag niya yung uniform ko pero hindi na ako umangal, mukhang mabait naman kasi ngumiti pa siya sa reflection niya sa salamin.

I smiled back at her.

Nang matapos ako ng pagtali ng buhok ko, kukunin ko na sana yung damit ko ng bigla niyang hinila yung bag niya.

Resulta? Ayun nasa sahig yung uniform ko. Naputikan ng kaunti, pero kahit na! White yun no!

“Hala! Uniform ko.” yumuko ako para pulutin, yung babae nakatayo lang.

“Ay sorry…” tumingin ako sa kanya para sabihing hayaan mo na kaso bigla siya nagsalita ulit at iba ang tono niya ha! “Hindi ko sadya.” Sabay smirk.

ABA TONG BABAENG TO!

“Raj tara na nga! Ang bagal mo naman!” pumasok yung isang babae at nakita niya na masama tingin ko dun sa ‘Raj’ na yun at nakita niya din ang ngiting pang asar nung babaeng yun. “You’re so mean talaga! Tara na gosh! Ang init dito!” pag iinarte nung isa.

Tiningnan lang  ako nung babae from head to toe, tsaka tinaas ang kilay. Isa pa tong akala mong kagandahan! Well maganda siya! Panget naman yung ugali! Grr!

Inirapan ako tsaka umalis.

“Girl nag paapi ka dun?!” gulat na tanong ni Kaye.

“Hindi ko naman kasi alam na ganun ugali nun.” Sabi ko habang pinapagpag yung uniform ko. “Hala, pano yan? Ang dumi na ng uniform ko.” napa pout na lang ako ng wala sa oras eh.

“Eh girl hindi na matatanggal agad yan. Mag P.E. ka na lang sa last subject natin.” May choice pa ba ako? Hay. Pabadtrip ako ng pabadtrip.

Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon