ML 26 : So Bossy

23.9K 265 25
                                    

STEPH’S POV


Aish! Ang sakit ng ulo  ko. T^T

Bumiling ako sa kabilang side and to my susrprise may nakita akong…

Ano ba to?

Dahan dahan akong umupo at humarap sa maliit na table sa may gilid ng kama ko.

Isang bowl na may warmer? I open the lid at isang mabangong crab and corn soup ang sumalubong sa ilong ko. kait may sipon ako naaamoy ko yun ah! *U* ang bango!

Favourite ko to eh!!

Tumingin ako sa table na yun kung saan nakalagay yung soup, meron ding bowl, orange juice at gamot katabi nun.

May papel pa na nadaganan ng gamot.

“Get well soon.”


Sino may gawa nito? Si Steve? Imposible. Hay! Kung siya man ewan ko, masama loob ko sa kanya.

Kahit mahal ko yun, naiinis pa din ako.

Umupo na ako ng maayos at kumain na. ang sakit talaga ng ulo ko eh. may pasok pa naman ako.

Teka, gising na kaya si Sir?

Pag katapos kong kumain, uminom na din ako ng gamot at niligpit yung pinagkainan ko.

Nang makatapos ako hindi ko alam kung gigisingin ko yung amok o. masama ang loob ko sa kanya eh. sobra. >.<

Ilang minute na ba akong nakatitig sa lababo?

“Gigisingin mo siya Steph. Amo mo siya. yaya ka niya. Gigisingin mo siya.” bulong ko at huminga muna ng malalim bago ako pumunta sa harap ng kwarto niya.

Dinikit ko muna yung tenga ko sa pintuan, baka mamaya naliligo lang to eh.

Nang wala akong marinig na kahit na anong ingay binuksan ko na ang pintuan at sumalubong sakin yung malinis niyang kwarto. Malinis talaga! Pati yung kama.

O_o ano sapok ng amo ko at naglinis ng kwarto?

Kadalasan kasi sa umaga bago ako pumasok nililigpit ko pa pinag higaan niya, tapos pag uwi galing school inaayos ko gamit niya. Nag lalaba ako ng mruruming damit niya at namamalantsa ako ng isusuot niya.

Pero ngayon… seryoso? Ang linis talaga.

Napahinga naman ako ng malalim bago tuluyang umalis sa kwarto niya.

“Umalis nanaman siya ng hindi nag papaalam. Ano pa aasahan mo Steph.” Buntong hininga ko at dumiretso na sa kwarto para mag ready.

Natapos na ako at lahat tahimik pa din sa condo. I decided to leave my room pero halos himatayin na ako sa gulat.

“Bakit ka ba nang gugulat?!” sigaw ko kay Steve.

Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon