ML 34 : Am I?

22.6K 277 59
                                    

RONALD’S POV

 

She smiled at me sadly at tumingin sa bintana.

“Hey. You look sad. Okay ka lang ba?” bigla akong nag alala nung nakita ko siyang malungkot. Ewan ko pero nalungkot ako lalo.

“Ah… hindi, gusto ko sana ng ice cream eh. Nagugutom ako.” Yun lang ang sinabi niya at pinilit ngumiti. Tama nga ako, she’s not happy.

“Kumain ka na ban g breakfast mo huh?” tanong ko.

“Oo naman, bakit?”

 

“Wala para hindi kako sumakit tyan mo.” I smiled at him.

Nag drive na ako papunta sa ice cream parlor na pinuntahan namin. Yun lang ang magagawa ko ngayon, yung pasayahin ko siya lalo na kapag kasama ko siya. Ayoko namang pakelaman yung desisyon niya about kay Steve.

--

“YUM!” sigaw niya tsaka sinubo yung spoon niya.

“Ubos mo na?” tanong ko. Nag nod naman siya na parang bata.

“Takaw ah?” pang aasar ko.

“Cookies and cream eh!” tuwang tuwa niyang sabi.

Tinuro ko yung gilid ng lips ko. Parang sinasabi na may ice cream siya sa lips niya.

“Ha?” tsaka tumingin siya sakin. Ang cute niya! Bilog na bilog yung mata.

Tinuro ko ulit yung gilid ng lips ko.

“Eh? Anong meron?” inosente niyang tanong.

Napailing na lang ako habang naka ngiti. Slow nanaman po ng Miss Beautiful ko! Kinuha ko yung panyo ko tsaka lumapit sa kanya.

I lean forward at pinunasan ko yung gilid ng lips niya.

“Ayan… ang takaw mo kasi eh.” tsaka ko pinitik yung noo niya.

Tumayo na ako dahil tapos na siya kailangan naming pumasok eh.

“Huy.” Tapik ko sa braso niya.

“Ah eh… oo tara.” Tarantang sabi niya at inunahan pa akong lumabas.

Ano problema nun?

Nang makalabas ako, nakita ko siya nakasandal sa kotse.

“Ang tagal mo naman!” reklamo niya habang pinapaypay yung kamay niya sa mukha niya.

Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon