ML 36 : MOVE!

22.3K 278 38
                                    

Happy 10k reads XD hehehe! first time ni author kaya pag bigyan na po huh? ^_^ salamat. 

-------

STEPH’S POV


Nagising ako kasi may kumakalabit sa paa ko, morelike kinikiliti ako. Dahil sa inis ko sinipa ko. Feel ko naman talaga yung pwersa kaya sure ako napuruhan kung sino man ang nangingiliti sakin.

Edi natahimik. Hmp! Nako Kaye, sorry ka girl, sabi sayo wag mo akong ginigising eh. >.< Si Steve lang pwedeng mambulabog sa tulog ko…

O____________O

HALA!

Agad akong napabangon at pag tingin ko sa paanan ko walang tao pero sinilip ko pa din at dun ko nakita si Steve na nakahiga sa sahig habang namamalipit.

“Ikaw ba nangiliti sakin?!”


“Sino pa ba?” palipit niyang sagot.

“Hala ka naman kasi e!” agad akong umalis sa kama para alalayan siyang tumayo “Bakit kasi nangingiliti ka?” sermon ko sa kanya.

“Kasi lalamig yung niluto kong breakfast!” sigaw niya sakin.

“Eh?” hindi ko siya magets, lalo na ngayong yung utak ko eh hindi pa gumagana ng maayos. >.<

Hindi pa ako nakaka recover ng mag salita nanaman siya “Lika na nga. Kakain tayo.” At hinawakan niya yung kamay ko at halos kaladkarin na niya ako.

Para siyang batang excited na lumabas sa kwarto para tingnan yung regalo sa kanya ni Sta. Claus. -___-

“Ayan! Upo ka na.” inalalayan pa ako umupo. Morelike tinulak ako paupo.

Ano ba meron sa lalaking to.

“Yan, kainin mo yan. Eto pa… at eto… ako nag luto niyan! Wait, I forgot your milk.” Agad siyang tumalikod. Pag tingin ko sa plato ko… omellete, toasted bread at bacon. *U* yummy!

Hindi ko na siya nahintay dahil nagutom ako sa nakita ko. Akalain niyong nakangiti yung omellete sakin. May smiley eh! hahaha!

Kaso hindi ko kinain yung ketchup. Inalis ko.

“Oh, ayaw mo?” tanong niya sabay lapag ng cup of milk ko.

“Ayaw ko yung ketchup.”


“Huh? Bakit?” parang bata niyang tanong at umupo din sa harap ko.

Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon