ML 72 : Really Over

19.1K 254 28
                                    

STEPH’S POV

*TING*

Nag madali akong pumunta sa oven para kuhanin yung binake kong cookies para sa anak kong nag request ng merienda, kasama sila Steve and Gretchen o mas kilala bilang Gretch. Nabanggit lang ni Steve ang buong pangalan niya noong sama sama kaming nag dinner.

Hindi ako lumalabas ng kitchen habang walang dalang pagkain dahil, hindi ko alam pero ayokong makita sila Steve, Stefan and Gretch na masaya na parang isang pamilya.

Lalo na ngayon at wala si Ronald. Wala akong makapitan. The day after tomorrow, kasal na namin. Hindi ko alam na ganun kabilis ang lumipas na araw, pero habang tumatagal, pabigat ng pabigat yung loob ko, lalo na ngayon na napapalapit na si Stefan kay Gretch lalo sa Daddy niya. Natatakot ako na baka sumama siya kay Steve, at ako… maiwang mag isa nanaman.

Iniling ko yung ulo ko to dismiss the thought. Ayokong isipin na mangyayari yun kahit napaka possible.

Lumabas ako ng kitchen habang dala ang cookies pero napatigil ako sa pag lakad nang makita ko ang itsura nilang tatlo…

Try to imagine this.

Gretch is sleeping at nakasandal sa shoulder niya si Steve na natutulog habang si Stefan ay nakaunan sa hita ni Steve.

Huminga ako ng malalim to compose myself at dahan dahang bumalik sa kitchen. Hangga’t maaari ayoko ng madagdagan yung memories na nakikita ko si Steve at Gretch na magkasama. Because honestly speaking… nasasaktan ako at the same time naiiinggit ako.

I know napaka gulo kong tao, pero naiinggit ako tuwing narerealize kong nagbago na nga si Steve para kay Gretch para maging maayos ang relasyon nila. I must say na naging matured na in a good way si Steve, pero ako… nag matured nga pero in a negative way.

Yun yung narealize ko few days ago.

FLASHBACK

“Aw… I’m sleepy and I want to sleep.” Sabi ni Gretch na yumuko sa sofa para makatulog but I was surprised nang akbayan siya ni Steve.

They stayed in that position for an hour, at si Steve? Hanggat maaari hindi siya gumagalaw para hindi magising si Gretch.

Sumenyas ko na kakain na pero nag nod lang siya, samantalang si Stefan dahan dahang pumunta papunta sakin.

“Oh asan sila?” tanong ni Ronald na ngayon ay katabi si Stefan.

“Ah nasa sala pa, natutulog kasi si Gretch.”

Napanod naman si Ronald habang tulalang nakatingin sa ulam.

Samantalang ako… eto hindi maiwasang hindi mapaisip ng malalim.

“Do you think, invited tayo sa kasal nila?” out of the blue kong sabi.

Agad namang napatingin si Ronald sakin. “Bakit mo natanong? Of course. Kaibigan ko si Gretch and pinsan ko si Steve, and mag kaibigan din naman kayo ni Steve diba?”

Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon