Si Howie

12.7K 167 6
                                        

Hay, ang lungkot ng buhay ko, walang pera, walang makain, walang ring load. Grabe pa ang kamalasan sa buhay ko:

Napanganak ako sa loob ng traysikel, hindi daw kasi napigil ni Nanay, excited daw akong lumabas. Mabuti na nga lang at di pinangalan sa akin ang pangalan ng traysikel, o kaya ng driver.

Noon namang sanggol pa ako, aksidente daw akong napainom ng harina. Lasing daw kasi si Tatay noong tinitimpla ang gatas ko. Ewan ko din kung bakit di ako nagreklamo. Doon na nila napansin na harina pala at hindi gatas ang naitimpla noong nakita ni Nanay na merong mga harinang hindi natunaw. Nagalit siya sa Tatay dahil pansin rin naman ang kulay ng gatas pero hindi ito natuloy noong hagkan ni Tatay si Nanay. Yucks! Paano nalang ang hustisya ko?

Mabuti na nga lang at hindi ako namalas sa mukha, pogi yata ako! Di katulad ni Tatay... He he he, joke lang, gwapo rin siya... ng konti. Si Nanay? Ay ang ganda buti nalang sa kanya ako nagmana.

Para pormal akong makipagkilala, ako nga pala si Howie Santiago, 17 taong gulang, nakatira sa isang probinsya sa Cebu. Ang Tatay ko'y mason at ang Nanay ko naman ay nag-aalaga ng aking apat na kapatid - sina Makmak, NatNat, Koykoy at Teptep. Nasa Grade 7 palang ako, huminto kasi ako ng apat na beses kasi nakakatamad mag-aral. I need a break you know... Anim na ang naging jowa ko, at ang present ko na yata ang pinakamamahal ko, si Shayne. Siya na yata ang babaeng tinadhana para sakin. Para siyang anghel, maganda, mabait ngunit tanga nga lang.

Mag-iisang buwan na noong huli kaming nagkita. Ayon sa kanyang ama, nagbakasyon raw siya sa Cebu City at hindi niya alam kailan ito babalik. Huli kong text sa kanya ay kung kamusta na ba siya, pero di niya ako sinagot. Baka walang load, pero imposible namang hindi siya hahanap ng paraan para maka-usap man lang ako. Kasi nga di ba, pag mahal mo ang isang tao, gagawa ka ng paraan?

Hay, kung pwede lang sana siyang puntahan sa bayan.

------
May gagawin kaya ang PPSS (Poging Pogi Sa Sarili) na si Howie para makita muli si Shayne?

My Girl is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon