"Hinding hindi mo malalaman ang hirap na dinaanan ng iyong ina,
kung hindi ka pa nabuntis, nanganak, at natawag na "mama"."
- Grace Uy-------------------------------
"Mama!?" sigaw ko noong nakita ko ang isang gurong pamilyar sa akin."Nak?" sagot niya sakin.
"Tita Christina!" rinig kong bati ni Kevin sa kanya.
Kahit malayo sila sakin, kita kong ngumiti ng napakalaki si Mama. Hanggang sa: "Bakit may baril? What's happening?" tanong ni Mama. "Nanay mo pala toh Grace? Bigyan kita ng oras, iksplika mo sa kanya." sabi ni kuya Ronan.
"Wala toh Ma, may konti di pagkakaintindihan lang." sabi ko. "Konti? Pero may baril siyang dala! Nako po huwag mong saktan ang mga anak ko." paki-usap ni Mama. "Huwag po kayong mag-aalala Ma, maayos din toh." sabi ko. "Mabuti nga at sa sitwasyong ito masasabi mong maaayos pa, eh tayo Nak, kailan mo ba ako papatawarin?" tanong ni Mama.
Hinintay niyang patawarin ko siya? "Ma, matagal na kitang pinatawad, kaya lang hinintay ko rin kasi ang oras na papatawarin mo din ako... kami." sagot ko kahit papaluha na. "Anak naman, hindi matitiis ng isang Nanay ang magalit sa kanyang anak sa matagal na panahon. Pinatawad na kita. At sana, ako rin patawarin mo na." sabi ni Mama. "Ma, wala ka hong kasalanan, ginawa mo lang ang nararapat, ang pagsabihan kami. Akala ko lang kasi na kinamumuhian mo na kami." sabi ko. "Nak, hinding hindi ko magagawa yun, sa totoo kang, miss na miss na kita." sabi ni Nanay. "Sir, bago mo ako barilin...patayin, pwede ko bang mayakap ang anak ko at makita man lang ang apo ko kahit na sa una at huling pagkakataon?" pakiusap ni Mama kay kuya Ronan.
Lumingo siya. "Kuya naman, please." pakiusap ko. "Sa tingin mo ba nasayahan rin ako sa nangyari sa inyo ng kapatid ko? Hindi, kaya mag dusa ka. Palibhasa kasi ANG LANDI mo! Wala pa kayo sa tamang edad pero ginawa niyo yun!" galit ni kuya. "HOY KUYA HUWAG MONG TAWAGIN SI GRACE NA MALANDI!" sigaw ni Kevin.
Malandi? Ganun pala tingin ni kuya Ronan sakin?
Oo, aaminin kong nagkasala ako sa kanila, pati na sa Kanya. Alam kong labag sa batas ng simbahan ang makipagtalik sa taong hindi mo asawa, pero wala na akong magagawa, nangyari na ang nangyari, kaya para makabawi sa Kanya, hindi ko nilaglag ang batang dinala ko, datapuwat siya'y aking pinalaki, inalagaan, at higit sa lahat, minahal.
Oo, aaminin kong napabayaan ko ang pag-aaral ko noong nabuntis ako, pero hindi rin iyon sapat na dahilan para ako'y sumuko sa aking mga pangarap, bagkus tinatanggap ko ito bilang isang pagsubok na dapat kong lampasan.
At oo, aaminin kong nadala ako sa galit. Galit na inakala kong magandang buhay ang matatamo ko pagsumama ako kay Kevin. Sana'y kasi ako sa marangyang buhay sa kadahilanang naging spoiled ako sa aking mga magulang.
Malandi, ganun pala turing niya sa nagmahal ng isa? Puwes, ano tingin niya sa sarili niya?
"Nasukuka ka sa malalandi, pero kapag ikaw tong nilandi, wagas kong makangiti." sabi ko kay kuya Ronan.
"Anong sabi mo!?" sigaw niya.
At sa puntong ito, nakatutuk ang baril niya sa akin... sa amin ng anak ko.

BINABASA MO ANG
My Girl is a Jejemon
Hài hướcPanlalait - ito ang isang bagay na ayaw nating maramdaman, ito ang isang bagay na nakakabago ng isang tao, at aminin natin, ito rin ay isang bagay'ng mahilig nating gawin. Jejemon - sila ang mga taong iba magbihis, nakajacket kahit mainit, nakashade...