Pagbubunyag Ng Mga Lihim

4.6K 67 4
                                    

Kinabukasan

MRS. UY
Sana naman, sa pagpasok ko sa classroom, complete na ang mga students ko... na tinuturing ko na ring anak.

Masaya maging guro, may mga bagay ka na nararanas na hindi nararanasan ng kahit sino man.

Sa pagtuturo kasi, dapat sa lahat ng anggulo, pinagbubutihan para maintindihan ng mga estudyante.

Sabi nga nila, pagkalipas ng ilang taon, ang isang estudyante, maari siya na ay isang engineer, pilot, IT, nurse, doktor, scientist, at marami pang iba. Pero ang guro, pagkalipas ng ilang taon, guro pa din.

Sa pagbukas ko ng pinto, sumalubong sakin ang 24 kong mga estudyante. Naligayahan ako noong nakita ng dalawa kong mata na buhay pa silang lahat, maraming salamat naman.

Kinamusta ko sila, nakibalita, at sinabihang excuse sila sa mga dumaang activites.

...

Pagkatapos ko silang dinismiss, tinanong ulit ako ni Mary tungkol sa anak kong si Grace. Ramdam kong naawa si Mary sakin, at para sa kanya naman, ramdam ko rin na gusto na niyang makita ang kuya niya.

"Don't worry Mary, maybe one of these days makikita mo na siya." sabi ko. "Sana nga ho, same with your daughter." sabi niya sabay ngiti.

...

KEVIN
Dahil sa limang libong binigay ni Sir, napasaya ko saglit si Grace, pero back to work muna, but this time, naka taxi na ako.

Hininto ako ng driver sa isang malaking pribadong eskwelahan. Mamahalin ito sa tingin ko.

Binayaran ko si manong driver, at noong paglabas ko, pagka-apak ko palang sa Knight Academy, bumulaga sakin ang mga batang dapat ko sanang patayin.

Pagtitig ko sa kanila, napansin naman ako ng isang babaeng naka shades na tumitingin sa kanila. Agad naman niyang sinabihan ang kanyang mga kasama. Wala na akong oras para magtago, kaya agad akong nakita ng anim na estudyante. "HOY BUBWIT! Bat ka nakatingin samin?" tanong nang babae. Speechless ako noong napansin kong kasama nila si Mark.

Hindi ako puwedeng tumakbo, baka ipapahuli nila ako. Kaya lumapit ako, umaasang papatawarin.

"Mark." sabi ko. "Sino ba yan bro?" tanong ng isang lalaki. Pero di umimik si Mark. Lumapit pa ako, at hinawakan ang kamay niya. "Mark, dude, pasensya ka na, patawarin mo ako. Sana pakinggan mo ang dahilan ko." sabi ko.

Tinanong ng mga kasama niya kung sino ako, parinig naman niya, "Siya lang naman kasi ang taong akala kong kaibigan ko, at siya rin ang nagbigay sakin ng trabaho doon sa junk shop. Trabahong illegal. Pero alam niyo guys, hindi lang yun ang ginawa niya. Alam niyo ba, ginawan niya ako ng kuwentong bastos." "At bat naman kaya ako gagawa ng bagay na yun, haler!" dagdag niya.

"Kasi nga bakla ka? Diba? Umamin kana, alam na namin, Mr. Mark Bongacious!" sabi ng babaeng naka shades. "Hoy Shayne! Tumahimik ka nga, hindi ito ang tamang oras para diyan." utos niya sa babaeng nakashades. "Huwag ka ng mag-alala Mark, alam na namin, at tanggap ka parin namin." sabi naman noong lalaking ka holding hands ng sinasabi kong babae.

Natulala si Mark, pero di yun dahilan sa pagtigil ko ng kahihingi ng patawad. "Mark di mo man ako patawarin pero gusto ko sanang malaman mo ang kuwento ko, at kung bakit ko yun ginawa." sabi ko, at nagdagdag ng "Nakabuntis ako ng babae sa di tamang oras, nakapagtapos ako ng kolehiyo pero siya hindi, at dahil dun, kinamuhian kami ng nanay niyang guro. Noong isinilang ang baby namin, sa hindi inaasahang pangyayari, nadiskobrehan naming may karamdaman siya, special child kung tawagin. At para magamot siya, magtratrabaho sana ako pero ayaw ng girlfriend ko sa papasukan kong trabaho. Kinamumuhian kasi niya ang mga guro. Kaya ayun, para sa trabahong madali na may malaking perang kikitain, tinulungan ko ang kuya kong drug lord, si kuya Ronan. Under na under ako sa kanila, dahil kung di ko sila susundin, wala akong kikitain, kaya naman sa araw na yun, kahit ayaw kong sabihin, sinabi ko na may nangyari satin para bigyan ako ng bonus ni kuya. Timing kasi nun na may sakit ang anak namin."

"Mark, sorry, alam kong mali ang nagawa ko, pero sana naman huwag mong kalimutan na kaibigan pa rin kita. Alam kong hinding hindi mo magagawa ang mga bagay na sinabi ko dahil nga mabuti kang tao." dahilan ko pero di parin siya nagsasalita. Alam kong paiyak na siya. "Pero Mark, maniwala ka sakin, nagbago na ako. Heto nga oh may pruweba ako sayo: Nandito ako sa Knight Academy para hanapin ang nawawalang anak ni Mr. Ben Santiago, si Howie Santiago."

NICKY
"Ano! Si Howie, anak ni Mr. Ben Santiago!?" tanong ko. "That means, magkapatid sila ni Mary?" sabi ni Brian. "And that means anak mayaman si Howie!?" sabi naman ni Kian. "And that means may-ari ng soap company si Howie!?" sabi naman ni Justine. "So nangangahulugan yang MAYAMAN YUNG EX KO!?" sigaw naman ni Shayne. Pinutol niya pa yung "that means" namin, tinagalog pa ha, at binanggit pa talagang ex niya yung jejemong yun.

"So ano, matutulungan niyo ba ako? Please, para sa pamilya ko." tanong ni lalaking nagpakilalang Kevin. "Sige ho, eto oh, tinext ko na si Mary na papuntahin rito." sabi ni Justine. "Text ko narin si Howie, na dapat pumunta siya dito." sabi naman ni Shayne. "HOY HINDI BA KAYO NABABALIW? Tinangka ng kuya niya ang buhay natin? Tas tutulungan natin siya?" sigaw ni Mark. "Mark naman, nagbago na raw siya, kaawa naman yung anak niya." sabi ni Kian. "Pabayaan mo na bakla! Para naman malibre tayo ni Howie." sabi ni Shayne.

Sabi naman nung Kevin, "Naiintindihan ko kung ayaw mo akong tulungan Mark, nakakahiya nga itong ginagawa ko. Humihingi ako ng tulong sa mga taong nilagay ko sa peligro ang buhay... Mga taong sana papatayi-..."

RONAN
Kinakabahan na ako lalo, ito na yata ang magiging katapusan ko. Naawa ako sa mga inosenteng madadamay, kaya inintay kong kumonti ng kumonti ang mga estudyante sa loob. Timing naman at parang isang oras pagkatapos ng dismissal na nila.

Sinignal ko agad yung mga tauhan ko sa may gate. Sila na bahala sa mga gwardya at CCTV.

HOSTAGE TAKING NA ITO.

Kaya agad akong nagdrive patungo sa parking lot sa likod, kasama ko pa nga si Grace at yung anak niyang maliit, at teka... sino tong nakikita ko... Si Kevin at ang mga... bata?

My Girl is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon