"Kung nilalait at pinagtatawanan ka ng iba,
Isipin mo nalang na nagpapansin lang sila."
- Shayne Rosas-------------------------------
Ilang buwan narin ang lumipas, salamat naman at wala ng hostage-taking ang nangyari samin. Sa katunayan nga, naging masaya na ang lahat nang nagkaliwanagan, nagpatawaran, at siyempre, nagmahalan.
Noong una kong narinig ang Knight Academy, inakala kong gabi lang talaga ang pasok dun, kasi nga "knight" pero nagkamali ako.
Noong una akong pumasok sa school, inakala kong magiging sikat ako at hahabulin ng mga gwapo, pero nagkamali ako.
Noong una akong pumasok sa classroom, inakala kong magiging palakaibigan ang mga kaklase ko, pero nagkamali ako.Naging tanga kasi ako, akala ko kasi cool yung mga pinaggagawa ko, pero sa katunayan, hindi pala, nakakasama pala sa sarili ko yun. Yung mga suot ko, okay lang, kanyang kanyang trip lang naman talaga yan eh, pero yung pagtetext ko, yun alam kong mali.
Kaya kayo, kung sa pagtytype niyo, zero ang gamit niyo sa letrang O, "Q" ang gamit niyo sa "ko" , at numero ang gamit niyo sa ibang letra, pwes, suggest ko lang, baguhin niyo na yan. Baka kasi sa pormal na pagsusulat, magamit niyo yan. At tandaan niyo na hindi yan magandang basahin, lalong lalo niya kung post ito sa Facebook o tweet sa Twitter.
...
Anniversary namin ngayon ni Nicky, naghanda siya ng dinner date sa sosyal na restaurant, kaya naman, naghanda talaga ako. Nagpaganda, nagmake-up at nagsuot ng magandang dress.
Pagkarating ko sa nasabing restaurant, pina-upo ako ng waiter sa table daw na nireserve ni Nicky. Nasan ba siya?
Pansin kong may senyas na ginawa ang waiter sa isa niyang kasama.
Biglang may lumabas na lalaking parang di ko kilala.
Nakashades, naka varsity jacket, naka cap, at nagsuot ng isang napakakinang na kwintas.
"Hoy Nicky!" gulat ko sa kanya. "Bat ganyang suot mo?" tanong ko.
"Diba nga sabi mo, kanyang kanyang trip lang yan? By the way, you look so wonderful in your dress, I like your hair like that." sabi niya. "Hoy alam kong kanta yan. Pero bakit ka nakadamit jejemon?" tanong ko. "Kasi nga, kung hindi ka jejemon noon, hindi kita mapapansin sa school." sabi niya. "Huwag kang mag-aalala, ganito man ang suot ko, pero tama naman ang pagtetext ko." dagdag niya. "Happy anniversary Loves." bati niya sabay bigay sakin ng bouquet "Happy anniversary rin." bati ko.
"Ano ba kakainin natin?" tanong ko. "Mabuti at naitanong mo, tatlo inorder ko. Shrimp, tilapia, o empanada?"
LOKOLOKO YATA TONG BOYFRIEND KO. "Di, biro lang, ikaw na ang bahalang pumili." sabi niya.
HAY SALAMAT NAMAN. "Teka lang loves, parang may problema." sabi niya. "Ano yun?" tanong ko. "Na-iwan ko yata ang wallet ko sa bahay." sabi niya
Patay.
------
Kanya kanyang buhay, kanya kanyang trip. Pero paalala lang po sana sa lahat, sana po ayusin natin ang pagtytype, baka po kasi matuluyan tayo sa sarili nating trip. Hindi po yung nakakaganda, nakakapogi, oh di kaya nakakapa-cool kid. Sana po sa kuwentong ito may natutunan kayo, hindi lang tungkol sa pagmamahal kung hindi tungkol po sa mga bagay bagay na naranasan ng mga tauhan sa kuwento.Maraming maraming salamat po sa mga nagbasa ng kuwentong ito. Hindi ko po akalain na maeenjoy niyo ang kuwentong sinulat ko, kaya muli, salamat. Salamat rin sa mga nag vote, nag comment at mga nagbigay ng feed back tungkol sa kuwento. Maraming maraming salamat rin po sa mga patuloy na nagrerequest ng update, dahil po sa inyo, na prepressure akong sumulat agad hahahaha joke. I hope you'll share this story, and sorry po, no more extensions.
Thank you and have a nice day ahead, sana nagustohan ninyo ang "My Girl Is A Jejemon"
Hanggang sa susunod na kuwento...
Hanggang sa muli, paalam.
- Detective9
BINABASA MO ANG
My Girl is a Jejemon
HumorPanlalait - ito ang isang bagay na ayaw nating maramdaman, ito ang isang bagay na nakakabago ng isang tao, at aminin natin, ito rin ay isang bagay'ng mahilig nating gawin. Jejemon - sila ang mga taong iba magbihis, nakajacket kahit mainit, nakashade...