Sa Gabing Mahaba

8.8K 109 27
                                    

Shayne's POV
Amoy... "SUNOOOOOOOOOOOOOOOOOG!!!" sigaw ko, "TULONG!"

Malakas na malakas ang tibok ng puso ko, anong gagawin ko? Ngayon lang ako nakaranas ng ganito... "Nicky!" tawag ko sa kanya habang lumuluha. "Loves wag kang umiyak, makakaligtas tayo." sabi ni Nicky.

Nagdaliang pumasok ang mga macho at agad kaming dinala sa labas ng junk shop. "Wag mo silang pakawalan!" utos ng boss nila. "Itago mo sila." dagdag niya.

Kitang kita kong nagsipupunta ang mga tao dito, ang iba may dalang tubig para makatulong, yung iba tumatawag ng bumbero, may iba naman ng uusisa lang, mga chismosa -.-

Howie's POV
Plan is successful!
Ayan nakalabas na sila...
Teka, bat parang nakatali parin sila...
San kaya sila dadalhin?

Mark's POV
Papalabas narin sana ako nang...
"Boy! Lika dito, tulungan mo kaming ipasok ito sa truck!" utos sakin ni Boss. "Ayoko! Drugs yan, baka madamay ako!" sagot ko.

Nagalit si Boss, narinig ko nalang ang tunog ng baril na nirereload. "Ano?" tanong niya habang tinututok sa mukha ko ang baril. Wala na akong magagawa. "Excuse me! Tutulong nalang ako." sabi ko sa isang miyembro niya.

Grabe, ang bigat nito! Yung muscles ko ugh! "Hoy! Bilisan mo diyan, isang plastic lang yang binubuhat mo pero ang bagal mong kumilos! Ipasok mo yan sa truck." utos ulit ni Boss. Sige na nga -.- Oo di siya mabigat, pero ayoko talagang tumulong sa kanila.

Lumalakas ang apoy, lumalaki ang sunog, kumakapal ang usok, parang hindi na yata nila ito maliligtas.

Narinig ko nalang na tinawag ni Boss ang nakabantay kina Nicky para tumulong samin. "Bahala na yung mga bata, ang importante, wala silang makitang droga dito!" sabi ni Boss.

Howie's POV
Sinundan ko kung saan nila dinala sina Bhe... Nasa gilid lang pala ng truck.

Shayne's POV
Grabe ang usok, ano bang dahilan ng sunog na ito... Gas? Ang baho! Nakakahilo.

"Bhe!" rinig kong sabi ni Howie. PATAY. "Bhe, wag kanang umiyak, napalabas ko na kayo, tara na uwi na tayo." dagdag niya habang nakahawak siya sa mukha ko, inaalis yung luha. Sa totoo lang, na touch ako, di ako nakapagsalita, di ko nga rin alintala na natanggal na pala niya ang tali sa aking mga kamay.

Nicky's POV
Ano raw... Bhe!? Tinignan ko si Shayne habang pinakakawalan niya ang tali ko. "Tinawag ka ba niyang bhe?" tanong ko sa kanya.

Napansin ko nalang na tumutulo ang luha sa mga mata niya.

Brian's POV
Napakawalan kami ni Howie. "Salamat dude" sabi namin ni Kian sa kanya. "Nicky, babalikan namin si Mark, nasa loob pa kasi siya." sabi ko kay Nicky, pero hindi siya sumagot. Bahala na "Tayo na Kian."

Shayne's POV
"Nicky, mahal kita, tandaan mo yan ha." sabi ko sa kanya... Tas...

Hinalikan ko siya.

Howie's POV
HINALIKAN NIYA SI NICKY!? "Ano toh Bhe!? Gaguhan!?" tanong ko, sigaw ko, gulat ko.

Nicky's POV
TINAWAG NIYANG BHE SI SHAYNE!? "Sino ba toh Loves!? Bat ka niya tinatawag na bhe!?" tanong ko, sigaw ko, taka ko.

Shayne's POV
Sa lahat ng PATAY ito na yata ang pinaka emosyonal. "Ano kasi... Nicky... Howie... Boyfrien-"

Wala na akong maramdaman, dinig ko nalang na may sabay sabay na nag sabing "Bhe!" at "Loves!"

-------
Brian's POV
Pumasok ulit kami ni Kian sa junk shop. Nakakamatay na yung amoy, pero andun pa si Mark, di namin siya kayang pabayaan.

Pagpasok namin, bumulaga samin ang mga pakete ng... SHABU!?

"Mark! Ano toh?" tanong ni Kian sa kanya. "Friendships, sorry." sabi ni Mark.

"Hoy! Bat kayo bumalik dito?" tanong ng boss nila. "Bumalik kami para sa kaibigan namin." sagot ko. "Umalis na kayo, kasama na namin si Mark." utos ng boss nila. "Ayaw namin! Ano Kian, patulan na natin?" aya ko kay Kian.

Mark's POV
Patulan!? Nababaliw na ba sila. "Huwag!" sigaw ko sa kanila. Gusto ko sanang sabihing may baril siya kaso di pwede, baka barilin ako.
...
Nagulat nalang ako noong sinuntok nga ni Brian ang isang lalaki, susunod na sana si Kian pero...

May narinig akong tunog na nakakapabago ng mundo, tunog na nakakatakot na ayaw mong marinig, tunog na nakakadilim sa makulay mong mundo, tunog na nakakapabalik sa lungkot pagkatapos ng isang kasiyahan, tunog na nagpapahiwatig ng... katapusan.

-----
Omniscient POV

Dumating ang bumbero, ambulansya, at mga pulis. Wala na silang dinatnan na tao sa loob, wala na ang mga kriminal, wala na ang mga nakakahinalang bagay.

-----

Sa gabing mahaba, may mga buhay na nasira, may mga tiwalang nawala, may mga bagay na nagtapos, may mga sekretong nabunyag, may mga nagmahal na nasaktan, may mga taong naguluhan, may mga tangang naging seryoso, may mga luhang tumulo, at may dugong umagos...

-----
Ganun talaga ang buhay, minsan nagkakamali tayo. Bago kasi tayo pumasok sa isang sitwasyon, isipin muna natin kung makakalabas ba tayo. Bago kasi tayo sumagot sa isang bagay, dapat alamin muna natin ang tanong. At bago tayo mag-iisip ng masama sa ibang tao, dapat kilalanin muna natin sila.

Tiwala, ito ang isang bagay na madaling makuha, ngunit kung ito'y nasira, mahirap ng ibalik.

Pagmamahal, ito ang isang bagay na nakakapagsaya sa lahat ng tao, ito na yata ang pinakamatamis na bagay sa buong mundo, ngunit pwede rin itong maging pinakapait na mararanasan mo, lalong lalo na kung ito'y hindi totoo.

-----

Sa buhay, may mga taong dadating at meron ding mawawala. Masakit mawalan, pero masarap naman magkaroon. Habang nandiyan pa ang mga taong ito, mahalin natin sila, alagaan, at bigyan ng importansya para naman sa kahulihulihan, wala tayong mapagsisihan.

Kung sa tingin mo hanggang diyan ka nalang sa buhay mo, baguhin mo ang iyong pananaw. Sabi nga nila ang buhay daw ang parang gulong, minsa tayo'y nasa taas, minsan naman, sa baba. Pero hindi iikot ang gulong na ito kung wala tayong gagawin, kung hindi tayo kikilos, at kung hindi natin ibigay ang lahat para tayo'y pumunta sa itaas.

-----
Sana po ay tandaan niyo na ang droga ay nakakasira ng buhay.
Huwag niyo ng i-try.
Para hindi matulad sa mga naranasan ni Shayne na maraming... "PATAY."

-----
end of part two

Hanggang sa muli, paalam!
- Detective9

My Girl is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon