Shayne's Point of View
Hay salamat, natagpuan ko na rin ang aking silid-aralan. Ako ay nasa seksyon B ng ika-siyam na baitang. Parang ang tatalino ng mga kaklase ko. Kahiya naman ako pag di ko maipapamalas ang aking galing sa seksyon na to, patay ako kay Tito.
CLASSMATE 1: Tignan mo yung suot niya oh, ang weird.
CLASSMATE 2: Oo nga, para siyang jejemon.
CLASSMATE 3: Hindi "para", kundi jejemon talaga.
TEACHER: Class, quiet! I don 't want you discriminating others. *tumingin sakin* Good morning and welcome to my class, I am Mrs. Bulka, and you are?
AKO: *natulala sa English* uhmm, ako nga po pala si Shayne Rosas, galing po ako sa probinsya namin.
CLASSMATE 4: Eh san pa ba? Alangan naman sa probinsya namin?
At silang lahat ay nagtawanan. Hindi na ako umimik at baka magkagulo pa.
Naging tahimik ako sa unang araw. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ng mga kaklase ko. Sila din pala ay nagbibiruan, nagkukulitan at nag-aaway. Hay, namiss ko tuloy yung tropa ko. Kailan ko pa kaya sika makikita ulit?
*Kriiiing*
At ayun nga, tumunog yung bell at nagsitayuan na yung mga kaklase ko. Agad silang nagdasal ngunit ako'y nagtataka bakit kaya... Yun pala, break time na. Yes! Kainan ulit!
Nagpunta kaagad ako sa canteen at nakajacket pa rin. Fashion ko kaya ito noh.
Bumili kaagad ako nang paborito kong empanada. Ewan kung ano yung laman nito, basta bahala na. Ang sarap eh.
Nicky's Point of View
Snacks time na. Hay salamat naman, gutom na kasi ako, di ako kumain ng breakfast sa pagmamadaling makapasok sa school. Sinamahan ko ulit yung barkada ko, kumain kami ng sangkatutak na pizza. Yung iba nga ay nagtitinginan na sa dami ng aming kinakain. But who cares, gutom kami.
Sa dami ng nakain ko, aray! Nagka-stomach ache ako kaya agad akong nag CR. Papuntang CR, nakita ko ulit yung jejemon. Talagang baduy na baduy na ako sa pagmumukha niya. Nakaka-irita. Sa lahat pa naman ng pinasukan niyang paaralan, dito pa... Teka lang... Parang mayroong nangyayari doon ah.
Shayne's Point of View
Sarap na sarap na ako sa kakakain nang empanada nang biglang...
TINDERA: Miss, nako, I'm so sorry, expired yung nabigay kong empanda sayo.
AKO: Ano!? Ate sigurado kaba? Mga lima na yung nakain ko eh.
TINDERA: Opo miss. Sigurado ako kasi kakarating lang nung new delivery eh. Di ako sinabihan ng kasama ko na di na pala yan pwedeng ibenta.
AKO: Ate, di ako naniniwala. Masarap pa naman eh...
TINDERA: Sigurado ka po ba?
AKO: O...p... aray! Ang sakit na ng tiyan ko, ate! Naniniwala na ako. Ibalik niyo yung binayad ko.
TINDERA: Opo miss. Ngayon din.
Di na ako naka-intay sa bayad. Pumunta kaagad ako nang banyo.
Third Person Point of View
(Sa labas ng CR)
NICKY: *Teka lang, bat papunta dito yang babaeng yan!?*
SHAYNE: Padaan po, emergency.
NICKY: Miss, teka nga lang. Maitanong ko nga, bakit kaba nagjajacket eh ang init init?
SHAYNE: Eh ano ba pake mo ah? Fashion ko toh noh. Padaan nga, sakit na nang tiyan ko. Awtsuuu.
*Pumasok si Shayne sa CR*
NICKY: Ang taray naman ng babaeng yun. Akala mo kung sino. At di niya ba kilala ang kaniyang kausap? Hay, mga babae talaga. Nawala tuloy sakit nang tiyan ko.
BINABASA MO ANG
My Girl is a Jejemon
HumorPanlalait - ito ang isang bagay na ayaw nating maramdaman, ito ang isang bagay na nakakabago ng isang tao, at aminin natin, ito rin ay isang bagay'ng mahilig nating gawin. Jejemon - sila ang mga taong iba magbihis, nakajacket kahit mainit, nakashade...