Shayne's POV
Hindi ko talaga kaya, dapat harapin ko na yata itong problema ko. "Tara bes, labas na tayo." Anyaya ko kay Justine. Sa paglabas ko ng school, hanap dito, hanap doon. At yun nga! Bingo! Nakita ko si Howie. Siyang siya parin, medyo pogi, mabait kung tignan, at oo, jejemon. Pero di ko makakaila na siya ay isa sa mga lalaking sinagot ko, minahal ko ba siya? Ewan.Justine's POV
Sa pag-anyaya sa akin ni Shayne na lumabas, parang ako pa yata ang kinakabahan, kilala ko kasi itong bestfriend ko, ewan kung anong kaguluhan naman ang nasa utak nito. Hindi pa kami nagtatagal sa labas ay nakita niya na si Howie, medyo... pogi. Pero hindi, mas pogi talaga yung lalaki kanina. "Iwan muna kita bes, kausapin muna siya."Howie's POV
Ilang oras na, hindi ko parin siya nakikita, pero may napansin akong dalawang magagandang babae, para ngang si Shayne yung isa. "Howie!" tinawag niya ako, teka si Shayne pala yon, mas gumanda siya. Pero yung suot niya? Eww. Gusto ko sana siyang hagkan sa pisngi, pero inayawan niyo ito at sinabing "doon sa coffee shop tayo mag-usap." Ayaw niya pang hawakan yung kamay ko.*sa coffee / teashop*
Shayne's POV
"Anong gusto mo? Libre kita." sabi ko sa kanya, sagot niya naman: "kape nalang." Nga naman Shayne, bat nagtanong kapa, kilala mo naman yata sino kausap mo. "Sige upo ka na doon, hintayin mo lang ako."Howie's POV
Bat ang cold ni bhe, ayaw niya akong humalik sa kanya, ayaw niyang makipag-holding hands, parang may kasalanan yata ako. Sana tubig nalang inorder ko, hindi kape. Pero teka lang, coffee shop may menu? Diba dapat kape lang tinda nila, at pangngalan, 'AsoTEA'? Aso, may tea? Eh sa probinsya limang piso lang ibibigay mo sa tindera, bibigyan ka na ng kape, ikaw nga lang titimpla, dito sa lungsod, may pa cashier cashier pa, upo upo, at, may balkonahe pa. Gulo ng mundo.Pagdating ni bhe sa mesa, ay may dala siyang tray may isang kapeng nasa tasa, at isang, shake? "Alam kong naguguluhan ka sa nangyayari Howie." panimula niya. "Hindi naman bhe, masaya nga akong makita ka." sagot ko kahit gulung gulo na ako.
Shayne's POV
"Wag mo nga akong tawagin 'bhe.'" utos ko sa kanya, tinanong niya kung bakit, pero hindi ko alam paano siya sagutin. "Bhe, ayokong mahirapan ka, wag ka ng magsalita, ito may bibigay ako sayo." sabi niya ng may pangiti-ngiti pa.Tinanggap ko naman ang regalo niya, nakabalot pa. "Pasensya ka na, yan lang nakayanan ng pera ko, wag kang mag-aalala, mas maganda pa sa anniversary natin." sabi niya. Noong binuksan ko ito, may nakita akong, payong na kulay dilaw. Grabe, hindi ko akalain matotouch pala ako. Hindi sa kung ano ang binigay niya, kung hindi sa effort na kanyang ginawa. Ano, sasabihin ko pa ba sa kanya? Nakakahiya, tanga ka talaga Shayne!
Howie's POV
"Bhe bat paluha ka? Ayaw mo ba sa binili ko?" Hindi siya sumagot sa tanong ko, nakokonsensya tuloy ako, parang malaki kasalanan ko. "Bhe, wag mo nalang isipin yang binigay ko, inumin nalang natin tong mga kape, nga pala, ano yung sasabihin mo"?Shayne's POV
"Ano pala yung sasabihin mo?" Tanong niya sakin, sabay ngiti. Hindi pwede, masasaktan siya. Ano nalang... Paano... *...and we dance all night to the best song ever...* "Ay bhe! Sorry, hehehe may nagtext lang" sabi niya, akalain mo Directioner pala tong jejemon na toh. Teka, chance ko ng mag-isip habang binabasa niya yung text niya.Howie's POV
Kainis, tumunog pa yung cellphone ko. Nakapagsinungalin pa ako kay bhe, kainis tong alarm na ito. "TiMe t0 fEeD D ChkeNs" Sana, naalala pa ng kapatid kong pakainin yung manok sa probinsya. *you have a text message* "Ehh bhe, parang tulala ka yata, okay ka lang? May tag text sayo oh, diko na phone yon."Shayne's POV
"Ha? Ay excuse me lang ha" sabay tingin sa phone ko. "NICKY <3 : Loves, nakauwi ka na ba?" Patay, eto pang isang boyfriend ko. "Sino ba yan bhe?" Usisa ni Howie. "Ahhh wala, si Nanay nagpapabili ng sabong panlaba." sagot ko. "Bili mo nalang siya ng Ariel, 7.50 nalang" suggest niya. Grabe ang sayahing lalaki nito, grabe kung makangiti. Di ko kayang gawin sa kanya ito.Howie's POV
Ay, hindi ngumiti si bhe sa joke ko, baka 8 pesos yung Ariel dito. "Bhe, inumin na natin yung mga kape, 3 in 1 bato? Di kasi ako umiinom ng hindi 3 in 1." Sabay ngiti ko.Shayne's POV
Ngumiti na naman siya. "Ha? Eh, ano, 6 in 1 yan. May kape, gatas, asukal, baso, plato, tsaka tissue na yan." sagot ko. Paano ba toh "Howie mauuna na ako sayo ha? Baka maubusan ako ng sabon." dahilan ko. "Ha? Gaano ba kaunti yung sabon dito sa inyo? Tara, hatid na kita." Sabi niya.Howie's POV
"Wag na, ubusin mo nalang yung kape, pati na yung sa akin. Paalam!" Sabay alis niya patakbo, hindi man lang ako kiniss. Sige na nga lang, sayang yung kape, ngayon lang ako nakainom ng 6 in 1, at dalawa pa.--------
FYI Ang salitang "asotea" /a-so-te-ya/ sa Tagalog ay nangangahulugang "balkonahe" o balcony / terraces. Inspired by Jose Rizal's Noli Me Tangere.
BINABASA MO ANG
My Girl is a Jejemon
HumorPanlalait - ito ang isang bagay na ayaw nating maramdaman, ito ang isang bagay na nakakabago ng isang tao, at aminin natin, ito rin ay isang bagay'ng mahilig nating gawin. Jejemon - sila ang mga taong iba magbihis, nakajacket kahit mainit, nakashade...